Pinasisiyasat ni Defensor sa Comelec QC MAYOR KALADKAD SA VOTE-BUYING SA BUS

TATLONG araw bago ang takdang araw ng halalan, isiniwalat ng apat na miyembro ng grupong Malayang QC ang maagang vote-buying na isinasagawa umano ng Serbisyong Bayan Party ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa loob ng provincial buses sa mga piling lugar sa lungsod.

“A new scheme of vote buying is being perpetrated in Quezon City. Buses are parked and driven around the city where the alleged pay-out is being conducted,” ayon sa ipinalabas na pahayag ni Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor.

Partikular na tinukoy ng kongresista ang umano’y sabwatan nina reelectionist Mayor Belmonte, katambal nitong si Gian Sotto at Franz Pumaren na tumatakbong kongresista sa ikatlong distrito ng nabanggit na lungsod.

“The scheme is allegedly masterminded by the Belmonte-Sotto and Pumaren camp of the Serbisyong Bayan Party of QC,” dagdag pa ni Defensor na katunggali ni Belmonte sa posisyon ng alkalde ng naturang siyudad.

Panawagan ni Defensor sa Commission on Elections (Comelec) at Quezon City Police District (QCPD), isang malalimang imbestigasyon at karampatang aksyon sakaling totoo ang diuamno’y pamimili ng boto.

“… to check and validate various reports of people lined up and entering the buses where the vote buying takes place,” dagdag pa ng kongresista, kasabay ng paglalabas ng isang video footage kung saan hagip ang mga Victory liner provincial bus na umiikot, nagsasakay at nagbababa ng mga residente ng lungsod.

May mga lugar rin aniyang nakaparada lamang ang mga provincial bus kung saan makikita ang mga taong sumasampa sa sasakyan at matapos ang ilang saglit ay bababa din agad ang mga ito.

“One such bus could be seen in the area of Katipunan Avenue and H. Ventura St., where hundreds of people were queuing,” dagdag pa niya.

Umapela din si Defensor si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makipagtulungan sa Comelec sa pag-iimbestiga lalo na’t kitang kita umano ang mga plate number ng mga provincial bus na ginamit.

“The LTFRB should ask Victory Liner to explain what its buses and drivers were doing in streets that are not part of their routes,” pagtatapos pa niya. (BERNARD TAGUINOD)

269

Related posts

Leave a Comment