POLITICAL DYNASTIES GIGIBAIN NG POLPHIL

NAGKAKAISA ang mga pinuno, miyembro, at kaalyado ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (PolPHIL) sa kanilang pagnanais para sa isang makabuluhan at modernong lipunan sa anyo ng paglalahad ng slogan na tumutugon sa mga batayang isyu ng mamamayan matapos na maitatag ang naturang partido pulitikal noong Sabado sa UP Bahay ng Alumni sa kampus ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City.

GIGIBAIN ng partidong People’s Progressive Humanist Liberal Party (PolPHIL) ang mga kuta at pugad ng mga buwitre sa pulitika na ang dahilan ng pag-iral ay ipagpatuloy ang kanilang pansariling interes.

Ito ang layunin ng itinatag na PolPHIL, ang partido pulitikal na guguhit ng pagbabago sa pamamagitan ng paglalagay ng karapat-dapat na mga lingkod-bayan sa iba’t ibang antas ng kapangyarihan, hindi batay sa kasikatan, paggunita ng pangalan at kapangyarihan ng kayamanan.

Mahigit 550 mga miyembro, pinuno at kaalyado ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (PolPHIL) ang dumalo sa paglulunsad ng partido noong Sabado, Pebrero 10, sa UP Bahay ng Alumni sa University of the Philippines campus, Diliman, Quezon City.

Nahirang bilang chairman ng bagong tatag na partido si Rudy ‘Kid’ Cañeda. Tumayo naman bilang senior adviser at consultant sina Nilo Tayag, Rodolfo Salas, Nilo dela Cruz at Edicio dela Torre, mga prominenteng progresibong lider noon dekada 70 sa panahon ng diktadurang rehimen.

Sa usapin kung paano magigiba o mapapahina ang political dynasties, sinabi ni Ric Serrano, isa sa tagapagtatag ng PolPHIL, na ang patronage type politics ay napakalawak ang puwang. “Diyan yun PolPHIL ay marami ding mga light minded and groups sa tingin ko ay isang estratehiyang makasama sa isang masigasig na koalisyon. Punan ang puwang upang lumakas at maabot ang ating layunin maging posible sa 2025-2028,” ani Serrano.

Inihayag ni Cañeda na nakahanda silang palakasin ang partido sa bawat panig ng bansa bilang pangmasang organisasyon kasabay ng pakikiisa sa mga pwersang progresibo at patriotiko. “Amin ding iwawaksi ang anomang uri ng autokratiko at diktadurang sistema,” aniya pa.

Sa pagtatapos ng aktibidad ay nanumpa ang mga kasapi at pinuno ng PolPHIL sa pagtalima sa mga prinsipyo, programa, at paninindigan ng Partido.

Pangunahing ipaglalaban ng partido ang kapakanan ng bawat mamamayang Pilipino at itataguyod ang interes ng Pilipinas at ipagtatanggol ang karapatang pantao.

Ang PolPHIL ay binubuo ng kinatawan mula sa sektor ng transportasyon, manggagawa, magsasaka, kabataan, akademya, opisyal ng gobyerno, mga dating rebelde at sundalo, solong magulang at lider ng maralitang lungsod.

53

Related posts

Leave a Comment