RANDOM MANUAL AUDIT MANANATILI – COMELEC

HINDI na aalisin ng Commission on Elections (Comelec) ang Random Manual Audit sa tuwing magsasagawa ng eleksyon sa bansa.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, mandato ito ng batas at hindi dapat mawala tuwing halalan.

Bukod dito, sinabi ng Comelec na napatunayan at naging epektibo ang random manual audit dahil tama ang bilang ng mga boto sa paggamit ng PCOS machine.

Lagi rin itong ginagamit sa mga nagdaang random manual audit ng komisyon para maikumpara ang bilang ng mga boto sa mga balota na ipinasok sa makina.

Bukod sa random manual audit, pananatilihin na rin ng Comelec ang members at component nito.

Umaasa si Garcia na mababawasan na ang anomang pagdududa sa kredibilidad ng halalan sa bansa dahil maikukumpara na ang resulta ng eleksyon na inilabas ng mga makina at resulta sa random manual audit.

(JOCELYN DOMENDEN)

56

Related posts

Leave a Comment