SC KAY EMILIO AGUINALDO IV: GUILTY

Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang hatol na “guilty” laban sa kaanak at kapangalan ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo.

Sa pitong pahinang extended minute resolution, inihayag ng SC Second Division, na wala itong nakitang basehan para baligtarin ang resolusyon ng Court of Appeals (CA) na pumapabor sa desisyon ng Regional Trial Court ng Makati City, Branch 147 na nagsasabing nagkasala si Emilio J. Aguinaldo IV sa kasong estafa sa ilalim ng Article 315 (2)(a) ng Revised Penal Code makaraang mapatunayan ng SC na pineke nito ang pagiging kinatawan ng angkan.

Ibinigay niya sa ACROL Holdings ang ilang Special Powers of Attorney na nagbibigay umano sa kanya ng ligal na kapangyarihan na maibenta ang ari-arian sa ilalim ng estate nina Emilio Aguinaldo at Maria Agoncillo sa ilalim ng Transfer and Certificate of Title (TCT) No. T-15632.

Dahil sa ginawa ng akusado, nahikayat ang ACROL na bilhin ang lupain.

Subalit dahil peke pala hawak nitong Certificate of Tittle ay hindi natuloy ang bentahan.

Binigyang linaw pa ng Korte Suprema na kahit pumasok pa sa kasunduan ang akusado at ang ACROL Holdings kaugnay sa pagbabayad ng nakuhang salapi ay hindi pa rin umano ligtas mula sa pananagutan ang akusado upang maparusahan sa kasong estafa.

183

Related posts

Leave a Comment