SC kinalampag sa ‘Bloody Sunday raid’ MARAMI PANG MAMAMATAY

0

(BERNARD TAGUINOD)
PINALALANSAG ng isang mambabatas sa Korte Suprema ang aniya’y ‘factory’ ng search warrants na ginagamit ng mga otoridad laban sa mga progresibong grupo na karaniwang nauuwi umano sa tokhang-style operations.

Ginawa ni ACT party-list Rep. France Castro ang panawagan kasunod ng panibagong operasyon laban sa mga progresibong grupo sa Southern Tagalog Region noong Linggo ng madaling araw na ikinamatay ng siyam na aktibista.

Kabilang sa mga biktima sina Bagong Alyansang Makabayan – Cavite Secretary-General Manny Asuncion na napatay sa Dasmariñas City, Cavite at ang mangingisdang mag-asawa na sina Chai Lemita-Evangalista at Ariel Evangelista na napatay naman sa Nasugbu, Batangas kung saan naulila ng mga ito ang kanilang 10 taong gulang na anak.

“We urge the Supreme Court to review its rule allowing executive judges of Quezon City and Manila to issue search warrants valid nationwide, and the seeming complicity of several judges with human rights violations by their issuance of search warrants in violation of the Rules of Court,” ani Castro.

Hangga’t hindi aniya inaaksyunan ng SC ang problemang ito ay marami pang miyembro ng mga progresibong organisasyon ang mamamatay.

Noong Disyembre pa kinalampag ng grupo ni Castro ang SC sa mga inisyung search warrant ng Quezon City at Manila trial courts sa labas ng kanilang hurisdiksyon subalit hindi pa ito inaaksyunan ng Kataas-taasang Hukuman.

“The Duterte administration has been using search warrants as death warrants to plant guns and bombs against leaders of progressive organizations,” ayon pa sa mambabatas.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment