TINIYAK ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) kay House committee on energy chairman Lord Allan Velasco na hindi magkakaroon ng disconnection hanggang sa Setyembre.
“Power consumers can breathe a sigh of relief, at least until September this year, after the Manila Electric Co. (Meralco) agreed to the proposal of the Committee on Energy of the House of Representatives to push back all its disconnection activities to ease the burden of customers still grappling from the impact of the pandemic,” pahayag ni Velasco sa kanyang ipinatawag na virtual hearing.
Ginawa ni Velasco ang nasabing pahayag matapos siguraduhin ni Meralco vice president at consumers retail services and corporation communication chief Victor Genuino na pinalawig ng mga ito ang unang moratorium na kanilang itinakda sa mga hindi makapagbabayad na consumers.
Magugunita na hanggang Agosto 31 lang ang ibinigay na deadline ng Meralco sa kanilang customers para bayaran ang kanilang electric bill subalit inurong ito sa Setyembre. (BERNARD TAGUINOD)
