SOLAR ENERGY BUSINESS NG ANAK NI LOREN MABILIS NA IPINASA NG KAMARA

Leandro Leviste

(Ni BERNARD TAGUINOD)

WALANG kahirap-hirap na ipinasa ng Kamara de Representantes ang prangkisa ng anak ni Sen. Loren Legarda sa pagtatayo ng solar energy business.

Sa botong 198 pabor, 7 ang tutol at isang abstain, pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8179 na pumapatungkol sa prangkisa ng Solar Para sa Bayan (SPSB) Corporation.

Ang SPSB na pag-aari ng anak ni Legarda na si Leandro Leviste ay binigyan ng 25 taong prangkisa.

Batay sa rekord ng Kamara, nag-apply ng prangkisa si Leviste noong Agosto ng kasalukuyang taon, kaya umabot lamang sa apat na buwan ang itinagal nito sa Kamara upang maaprubahan ng mga kapwa mambabatas ni Senadora Legarda.

14

Related posts

Leave a Comment