SOLON: MANANAKAY ‘DI SAFE SA ‘HILAW’ NA DOTr GUIDELINES

KUWESTYONABLE kay Senador Nancy Binay ang ipalalabas na transport guidelines ng Department of Transportation (DOTr) kung talagang ligtas ang mamamayan kapag tuluyan nang binuksan ang public transportation sector.

Sa pahayag, tinanong ni Binay ang transport executive kung nasubukan at nasuri ang transport guidelines na ipatutupad sa general community quarantine (GCQ).

Nangangamba si Binay na tila hindi ligtas at mahina ang pagpaplano ng guidelines na ipatutupad ng DOTr para sa mga pasahero.

“This is not the time to stretch experiments. Improving mobility and maximizing space are important, but spending on costly experiments that we know are bound to fail is totally unnecessary lalo pa ngayong kapos sa pondo,” ayon sa senador.

Sinabi ni Binay na patuloy na magkakagulo at mahihirapan ang mamamayan sa paglalakbay sa ilalim ng GCQ o Modified General Community Quarantine kung walang holistic at reyalistikong public transport plan na ipatutupad.

“Sana try din nilang testingin yung kanilang science projects sa EDSA–para kasing virtual experiment ang ginagawa sa mga mananakay. Wag na po nating ipilit yung mga hilaw at minadaling plano sa EDSA which placed public safety as a secondary concern. Di po EDSA ang classroom sa online learning,” giit ng senador.

Kasabay nito, kinuwestiyon din ni Binay ang plano ng ahensiya na maglagay ng bus stop sa middle lane ng EDSA na maaaring maging mapanganib sa pasahero at kailangan pa ng imprastraktura para dito.

“Papaano naman yung mga pasahero? Saan sila tatawid para makapunta sa gitna ng EDSA? Lalo din pahihirapan nito ang ating mga senior citizen at PWDs. If DOTr genuinely believes that their  plans are well-thought of, then we presume that they understand the hardships of commuters under M/GCQ,” ayon kay Binay. ESTONG REYES

102

Related posts

Leave a Comment