STUDENT FARE GAGAWING 24/7 ANG IMPLEMENTASYON

Catanduanes Rep Cesar Sarmiento

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Sinimulan nang talakayin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga panukalang batas na gawing 24-oras araw-araw ang pagpapatupad ng 20% discount sa pamasahe ng mga mag-aaral sa lahat ng uri ng transportasyon.

Sakop ng panukala, ayon kay Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, na iimplementa ang 24-oras araw-araw 20% discount sa lahat ng transportasyon tulad ng pampasaherong dyip, bus, eropla-no, sasakyang pandagat, tren, at iba pa.

Ang umiiral sa ngayon ay tuwing mayroong pasok ang mga estudyante mula Lunes hanggang Byirnes lamang sila mayroong 20% discount, pero magbabayad na ng buong pamasahe tuwing weekends at holidays.

4

Related posts

Leave a Comment