VOTER REGISTRATION PALALAWIGIN NG KAMARA

0

PINAGTIBAY sa plenaryo ng mababang kapulungan ng Kongreso ang panukala na nag-aatas sa Commission on Elections (Comelec) na palawigin ang deadline sa pagpaparehistro ng mga botante sa 2022 election.

Sinuportahan ng buong Kongreso ang House Resolution (HR) 2231 para sa isang buwang ekstensyon ng voter registration lalo na’t marami pa ring Filipino ang hindi nakakapagparehistro dahil sa pandemya.

Unang itinakda ng Comelec na hanggang September 30 na lamang ang pagpaparehistro ng mga first time voter at maging ang mga natanggal sa listahan dahil hindi nakaboto sa nakaraang dalawang eleksyon.

Subalit sa ilalim ng nasabing resolusyon, nais ng mga mambabatas sa Kamara na palawigin ito hanggang Oktubre 31, 2021 upang mabigyan pa ng pagkakataon ang mga Filipino na makaparehistro upang makaboto sa May 9, 2022 election.

Hindi lamang sa bansa ipatutupad ang extension ng voter registration kundi maging sa ibang bansa upang maging ang mga Filipino na nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo ay mabigyan din ng pagkakataon na makapagparehistro at makaboto sa pamamagitan ng absentee voting. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment