WILKINS VILLANUEVA BAGONG PDEA DIRECTOR GENERAL

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Wilkins M. Villanueva bilang Director General of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Pinalitan ni Villanueva si Aaron N. Aquino.

May petsang May 22 ang appointment paper ni Villanueva.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Malakanyang si Aquino para sa kanyang napakalawak na kontribusyon sa campaign against illegal drugs ng pamahalaan.

Dahil sa magandang performance ni Aquino ay kaagad siyang binigyan ng bagong ‘assignment’ ni Pangulong Duterte sa Clark International Airport.

Samantala, si DG Villanueva ay hindi na estranghero sa drug law enforcement.

Nagtrabaho siya sa PDEA ng maraming taon bago pa mapunta sa mataas na posisyon ng ahensiya.

“We therefore believe DG Villanueva will lead PDEA and the fight against illegal drugs to greater heights with professionalism, passion and integrity,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“We wish DG Villanueva all the best,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. CHRISTIAN DALE

522

Related posts

Leave a Comment