NATIONWIDE CONSULTATIONS SA ANTI-DYNASTY BILL NILARGA

SINIMULAN na ng House of Representatives ang nationwide public consultations kaugnay ng panukalang Anti-Political Dynasty Act.

Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na magiging bukas at people-centered ang gagawing dayalogo upang makuha ang tunay na pulso ng mamamayan.

Ang unang konsultasyon ay isinagawa sa Carmona City, Cavite na pinangunahan ng House Committee on Electoral Reforms and Suffrage sa pamumuno ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.

Sa kanyang video message, sinabi ni Dy na layunin ng konsultasyon na marinig ang iba’t ibang pananaw tungkol sa panukala.

“Ang mga konsultasyong ito ay bahagi ng paninindigan ng Kapulungan na ang mahahalagang batas ay dapat binabalangkas sa pamamagitan ng bukas at tapat na pag-uusap,” pahayag ni Dy.

Nakatuon ang konsultasyon sa 24 panukalang batas na naglalayong magtakda ng limitasyon sa pagtakbo sa pulitika ng iisang pamilya.

Lumahok sa open forum ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, barangay at community leaders, academe, estudyante, business sector, civil society organizations at iba’t ibang interest groups.

(TINA MENDOZA)

2

Related posts

Leave a Comment