NAVAL STANDOFF NG PILIPINAS AT MALAYSIA, FAKE NEWS

TAHASANG itinanggi ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ang ikinakalat na YouTube video na may namumuong naval standoff sa pagitan ng Philippine Navy at Malaysian forces.

Malinaw umanong fake news ito na layuning magpakalat ng mali at nakasisirang impormasyon para magsulong ng kanilang political or strategic agendas.

Ang pagpapakalat umano ng ganitong uri ng disinformation ay banta sa peace and stability sa rehiyon. “The AFP stands firm in its commitment to transparency, truth, and the protection of our national interests.”

Nabatid na may kumakalat na YouTube video na gustong palabasin na may naval standoff sa pagitan ng Pilipinas at Malaysian forces.

“This is entirely fabricated—no such incident occurred. It intends to strain our 60-year diplomatic ties with Malaysia, erode public trust in the AFP, and provoke unnecessary tensions,” ayon sa inilabas na pahayag ng AFP.

Samantala, kinondena ng United States ang ipinakitang kawalan ng paggalang sa umiiral na Safety of Life at Seas ng China kasunod ng nangyaring banggaan sa pagitan ng dalawang Chinese vessels na tumutugis sa barko ng Philippine Coast Guard

“PRC (People’s Republic of China) vessels collided into each other Aug 11 while conducting dangerous maneuvers near Scarborough Reef. We condemn this latest reckless action by China directed against vessel BRP Suluan and commend @coastguardph for their professionalism and their offer to render assistance,” Ani U.S. Ambassador to Manila MaryKay Carlson.

Pinuri ng Amerika ang Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa ipinakita nitong professionalism nang mag-alok ng tulong matapos ang banggaan ng dalawang Chinese vessel sa Bajo de Masinloc noong Lunes, Agosto 11.

Nagbanggaan ang isang Chinese warship at barko ng China Coast Guard (CCG) habang hinahabol ang Philippine vessel na BRP Suluan.

(JESSE RUIZ)

33

Related posts

Leave a Comment