NAWAWALANG PASLIT NATAGPUANG PATAY SA ILOG

CAVITE – Wala nang buhay nang iahon ang isang nawawalang 2-anyos na batang lalaki na hinihinalang nalunod sa ilog sa bayan ng Ternate sa lalawigan noong Lunes ng hapon.

Isinugod pa sa Cavite Municipal Hospital, Maragondon ang biktimang si alyas “Jhyroz” ng Sitio Ligas, Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite subalit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa salaysay ng ina ng biktima na si Meralyn, bandang alas-5:00 ng hapon nang mapansin niyang nawawala ang kanyang 2-anyos na anak.

Una niyang tinungo ang tabing ilog sa Maragondon River, Sitio Ligas, Brgy. Sabang 1, Ternate Cavite subalit hindi niya ito nakita.

Nagtanong-tanong din siya sa kanyang mga kapitbahay subalit wala silang magandang sagot.

Bandang alas-6:00 ng hapon, muli siyang bumalik sa ilog para magbakasakali hanggang sa nakita niyang nakalutang ang kanyang anak.

Lumusong siya at iniahon ang kanyang anak at sa tulong ng mga kapitbahay ay isinugod ito sa ospital subalit hindi umabot nang buhay.

(SIGFRED ADSUARA)

72

Related posts

Leave a Comment