NBI STRIKES AGAIN

INSIGHT Ni DR BERNIE R. ANABO, JR.

ISANG pagpupugay sa National Bureau of Investigation-National Capital Region sa pagmamaneho ni NCR Dir. Atty. Emeterio Dongallo, sa isang matagumpay na operasyon. Sana all! Magandang accomplishment na naman ito.

Opo mga Igan, huli sa entrapment operation ang suspek na si Mary Ann Hernandez, sa umano’y INVESTMENT SCAM, ang kanyang modus gamit ang kanyang forwarding company at may pangakong sampung porsyentong tubo pero bogus pala. Ambot.

Sa ulat, nakatangay na ang suspek ng labing anim na milyong piso (P16-M), sa kanilang suma total. Naku po! Kawawa naman ang mga biktima. Hirap po kaya maghanapbuhay.

Kaya naman nagsagawa ng entrapment operation ang mga ahente ng NBI, at narekober ang P450k na marked money, na sinasabing mula sa kanyang panghihikayat sa mga investor. Haitz!

Sa panayam kay NBI-NCR Dir. Atty. Dongallo, ito palang suspek na si Mary Ann Hernandez ay nagre-review para sa nalalapit na BAR EXAM, subalit ginagamit lamang ang kanyang kaalaman sa hindi maganda, kaya naloko niya ang kanyang mga kaklase noong high school at sa law school.

Naghihimutok naman ang mga biktima, sapagkat anila ang kanilang pera ay pinaghirapan at hindi kinita sa isang araw lamang. Nahaharap naman ang suspek sa kasong estafa.

Sa pahayag naman ni NBI Dir. Eric B. Distor, ginagawa ang lahat ng makakaya ng NBI para matunton kung saan napunta ang labing anim na milyon at ­matulungan ang mga biktima.

Samantala, nais kong paalalahanan ang ating mga kababayan na maging mapagmatyag at maging maingat sa INVESTMENT, sapagkat karamihan sa ngayon ay bogus, at maglalahong parang bula ang iyong pinag­hirapan.

Muli, isa na namang pagsaludo at pagpupugay sa National Bureau of Investigation sa pamumuno nina Dir. Eric Distor, Deputy Director for Regional Operations Atty. Antonio Pagatpat, at NBI-NCR Dir. Atty. Emeterio Dongallo, sa matagumpay na operasyon laban sa kriminalidad sa bansa. Mabuhay and God bless us, all!

***

KOMISYONER SA CUSTOMS, SINASALA

Mga Igan, maraming tumatawag sa akin, at nagtatanong. Sino ba ang magiging komisyoner sa Bureau of Customs, na isang ahensya na malaking tulong sa gobyerno sapagkat income ­generating agency ito.

Well, ang sagot ko lang naman. HINTAYIN NATIN ang pag-anunsyo ni President-elect Bongbong Marcos Jr., dahil ito’y dumadaan sa masusing pagsasala. Tama po ba ako, mga ka-BBM?

Sa mapipiling komisyoner. Good luck! Nag-isip kayo ano? Good luck, dahil matinding pagsubok ang kahaharapin ng ­kumisyuner kung ito’y mula sa labas.

Matinding pag-aaral sa CMTA Law ang kanyang kahaharapin, kundi paglalaruan ka lang ng PLAYERS/SMUGGLERS ng Bureau of Customs. At magmumukha kang tanga at katatawanan.

Sa mga nag-aaplay maging Komisyoner, tingnan niyo muna ang mga sarili niyo. Nararapat ba kayo? O may personal ­interest lang. Balansehin niyo na lang. Maiintindihan ko kayo. At huwag maging ipokrito. Marami riyan. Ambot sa kambing na may bangs! Hahaha!

***

ENRILE, PINAKAMATANDANG MANUNUNGKULAN SA GOBYERNO

Sa edad na 98, manunungkulan bilang Presidential Legal Counsel si dating Senate President Juan Ponce Enrile, pinakamatandang manunungkulan sa gobyerno, mas matanda pa kay Queen Elizabeth.

Opo mga Igan, nadagdag sa gabinete ni President-elect Bongbong Marcos Jr. si Enrile, at ito’y kinumpirma ni Press Secretary-designate Atty. Trixie Cruz-Angeles. Wow! Ito ang idol!

Kung inyo pong matatandaan, sinuportahan ni Enrile ang tambalan nina Marcos at Vice President-elect Inday Sara Duterte nito lamang nakaraang halalang 2022.

301

Related posts

Leave a Comment