NETS NAGKOLAPS SA BULLS

NABALEWALA ang 44-point production ni Kevin Durant matapos yumuko ang Brooklyn Nets sa Bulls, 121-112, Huwebes (Manila time) sa United Center sa Chicago.

Tinuldukan din ng Bulls sa 12 ang win run ng Nets, ‘longest winning streak’ sa season, kasabay ng pagkabigong samahan ang Boston sa tuktok ng Eastern Conference.

Matapos matalo noong ­Disyembre 4 kontra Celtics, inilista ng Nets ang nasabing win streak.

Nag-ambag si Kyrie Irving ng 25 points, habang si Seth Curry, 22 points para sa Nets.

Hindi nakaporma ang Nets sa depensa ng Bulls, may 73.9% shooting sa first quarter at 4-of-7 sa 3-point range. Tanging si Durant ang kumilos upang makadikit ang Nets, 40-33.

Si Chicago’s Nikola Vucevic, may 21 points at 13 rebounds, ang isa sa nagpahirap sa Brooklyn sa depensang inilatag sa first at ­second quarters.

Sa huling 3:47 sa half, ­tuluyang naiwanan ang Brooklyn, 64-46 mula sa driving layup ni former Nets point guard Goran Dragic.

Pinilit ni Durant buhatin ang Nets at halos siya lang ang pumuntos sa 13-5 run, kasama ang two steals, two blocks. Ngunit nanatiling lamang ng 10 points ang Bulls. (VT ROMANO)

221

Related posts

Leave a Comment