18 KM NA BAHAGI NG CLLEX MAGAGAMIT NA

0

MAGAGAMIT na ng mga motorista ang unang 18-kilometer na bahagi ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) mula SCTEX/ TPLEX connection sa Tarlac City hanggang sa intersection ng Aliaga-Guimba Road sa Aliaga, Nueva Ecija.

Pinangunahan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar kasama si Senador Bong Go ang inauguration ceremony ng 4 lanes toll-free expressway project na magkokonekta sa lalawigan ng Tarlac at Nueva Ecija.

Ang inisyal na bahagi ng CLLEX na bubuksan ay ang mga sumusunod na sections na covered ng 3 contract packages: 4.10 kilometer Tarlac Section, 6.40 kilometer Rio Chico River Bridge Section kabilang na ang 1.5 kilometer Rio Chico Viaduct at Aliaga Section “with up and down ramps” sa Guimba-Aliaga Road.

Ang bagong highway project na ito ay inimplementa ng DPWH Unified Project Management Office (UPMO) sa pamumuno ni Usec. Emil K. Sadain at project Director Benjamin A. Bautista ng UPMO Roads Management Cluster 1 (Bilateral) na nag-doble oras para mai-deliver ang pagtatapos ng proyekto.

Ang CLLEX ay kabilang sa mga pangunahing infrastructure projects na may funding assistance mula sa gobyerno ng bansang Japan sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) bilang pagsuporta sa Build, Build, Build program ng pamahalaan.

Ang kabuuang 30-kilometer expressway project ay inaasahan na paiiksiin ang usual travel time na 70 minuto sa pagitan ng Tarlac, City at Cabanatuan City ng 20 minuto na lamang.

Samantala, sa talumpati naman ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na magugustuhan ng mamamayang Filipino ang pinaikling byahe mula 70 minuto at magiging 20 minuto sa pagitan ng Tarlac, City at Cabanatuan City.

“This day marks another milestone in our flagship “Build, Build, Build” program as we inaugurate this 18 kilometer portion of Phase 1 of the Central Luzon Link Expressway or CLLEX. Once completed, this 30 kilometer four lane expressway will not only connect Tarlac City and Cabanatuan City but also improve access to several localities in Tarlac and Nueva Ecija,” ayon sa pangulo.

Kumbinsido ang chief executive na sa pamamagitan ng proyektong ito ay magi-improve ang galaw ng goods o produkto na papunta at magmumula sa Metro Manila at Central Luzon, na malinaw na kapaki-pakinabang naman sa entrepreneurs, consumers at sa ekonomiya.

Sa pagkakataong ito ay pinasalamatan ng pangulo ang gobyerno ng Japan sa pagtulong na pondohan ang konstruksyon ng CLLEX bilang suporta sa national infrastructure program.

“The infusion of P12 billion by the Japan International Cooperation Agency or JICA attests to the indispensable role of Japan as one of our important partners in attaining inclusive program through infrastructure development. I also commend the Department of Public Works and Highways and its partners for the speedy, efficient, and timely completion of this part of CLLEX,” aniya pa rin.

“Just keep in mind that transparency, accountability and integrity must be upheld in all our development projects,” ani Pangulong Duterte.

At sa mamamayang Filipino, tiniyak ng punong ehekutibo na mananatiling committed ang pamahalaan na maisakatuparan ang misyon nito na bigyan ng mas komportableng buhay ang lahat ng Filipino. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment