JOINT SPECIAL SESSION NG KONGRESO KASADO NA

ALL SYSTEMS GO na ang joint special session ng Kongreso bukas, Nobyembre 4.

Ito ang inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri kasabay ng kumpirmasyon na ito ay para sa pagtanggap at pakikinig ng Kongreso sa speech ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio.

Tiwala si Zubiri na sa pamamagitan ng pagbisita ng Prime Minister ay mapapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa sa pagharap sa bawat pagsubok.

Sinabi ni Zubiri na ang Japan ang pinakamalaking bilateral source ng official development assistance (ODA) ng bansa.

Sa datos ng Department of Finance, ang ODA mula sa Japan ay umabot na sa $14.139 billion o P7.77 trillion sa nakalipas na 20-taon sa tatlong administrasyon mula 2001 hanggang 2020.

Binigyang-diin ni Zubiri na huling nagconvene ang Kongreso para tumanggap ng pananalita mula sa isang head of a state ay noon pang February 2006 sa pagbisita ng lider ng India.

Samantala, inaasahan ni Zubiri na maisusulong sa pagbisita ni Kishida ang pagpapalawig ng security agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Partikular na nais marinig ng senador sa Prime Minister ang pagsusulong ng Reciprocal Access Agreement ng dalawang bansa para sa mas malawak na kooperasyon at interoperability.

Inaasahan din ni Zubiri ang pag-take over ng Japan sa bigong proyekto ng Chinese government sa bansa.

(DANG SAMSON-GARCIA)

165

Related posts

Leave a Comment