LALAKING PUGOT NA ITINAPON SA CAVITE POSIBLENG DAYUHAN

CAVITE – Kumpyansa ang mga awtoridad na sa susunod na mga araw ay mahuhubaran na ng maskara ang nasa likod ng pagpugot sa ulo ng isang ‘di kilalang lalaki na itinapon ang hubo’t-hubad na katawan sa gilid ng kalsada sa Carmona City noong Sabado ng hapon.

Sa panayam kay Lt. Colonel Jefferson Ison, hepe ng Carmona Component City Police Station, nakita sa isinagawang backtracking sa footage ng Closed Circuit Television (CCTV), ang sasakyang ginamit ng suspek nang itapon ang bangkay ng biktima sa Davilan Road, Brgy. Lantic, Carmona City noong Sabado ng hapon.

Gayunman, tumanggi pa si Ison na ibunyag kung anong klaseng sasakyan ang ginamit ng mga suspek maging ang plaka nito para hindi mapurnada ang isinasagawang imbestigasyon

Naniniwala rin si Ison na sa ibang lugar pinatay ang biktima na may taas na 5’6 at may tattoo sa kanang dibdib, at itinapon lamang ang hubo’t hubad na katawan nito sa lugar upang iligaw ang imbestigasyon.

Tinitignan din ang anggulong isang ‘foreign national’ ang biktima dahil maputi at malinis ang balat nito.

Sinabi pa ni Ison na ‘uncircumcised” ang ari ng biktima na madalang sa mga Pilipino.

“Hindi ko makukumpirma na ‘foreign national’ ito, pero base sa balat niya na yellowish ang pagkaputi, na taliwas sa isang Pinoy, unless kung gumagamit ng pampaputi’, ayon kay Ison.

Matatandan, dakong alas-5:20 noong Sabado ng hapon nang napansin ng isang concerned citizen ang bangkay ng biktima sa gilid ng kalsada.

(SIGFRED ADSUARA)

90

Related posts

Leave a Comment