Mababang Kamalayan sa mga Panganib sa Pangkalusugan Kaugnay ng Menopause sa Pinas – Survey

ANG menopause o permanenteng pagtatapos ng regla, isang natural at hindi maiiwasang yugto sa buhay ng isang babae, ay kalimitang binabalewala bilang isang mahalagang alalahanin sa kalusugan. Bagama’t totoo na ang menopause ay isang normal na bahagi ng proseso ng pagtanda, mahalagang kilalanin at tugunan ang mga potensyal na implikasyon sa kalusugan na maaaring lumabas sa panahon ng pagbabagong ito. Upang masuri kung ito ay may katotohanan, nagsagawa ang Capstone-Intel Corporation ng isang survey sa buong bansa sa persepsyon at kaalaman ng mga Pilipino sa menopause.

Ang isinagawang survey ay sa pagitan ng Setyembre 20-27, 2023, na may 1,210 na mga respondente. Sa mga ito, 91% ng mga sumasagot ay nagsabing pamilyar sila sa terminong “menopause.” Bukod pa rito, 3-5% ang naghayag na hindi sigurado kung narinig nila ang tungkol sa menopause.

Sa pag-aaral ng Capstone-Intel, sinuri rin ang antas ng kamalayan ng mga respondente tungkol sa mga sakit na karaniwang nauugnay sa menopause. Natuklasan na 30% ng mga respondente ay nagpakita ng kaalaman tungkol sa mas mataas na panganib ng osteoporosis dahil sa menopause. Bukod pa rito, 12% ang nagpakita ng kamalayan sa mas mataas na panganib ng sakit sa puso na nauugnay sa menopause. Higit pa rito, 12% lamang ng mga sumagot ang naniniwala na may sapat na kamalayan at suporta para sa mga bagay na may kaugnayan sa menopause sa kanilang komunidad.

Ayon sa Capstone-Intel, ang datos ay nagbigay-diin sa umiiral na kakulangan sa kaalaman ng publiko hinggil sa menopause, na nangangailangan ng pansin at tulong dahil sa malaking epekto sa kalusugan ng mga babae.”As individuals age, their risk of heart disease tends to increase. It is important to prioritize heart disease as a significant health concern related to menopause. It is critical to bear in mind that heart disease continues to be the leading cause of death in our nation. Furthermore, osteoporosis is commonly referred to as a ‘silent disease,’ and menopause elevates the risk of developing this condition. During menopause, women face a heightened likelihood of developing osteoporosis, which renders their bones brittle and more susceptible to fractures,” paliwanag ng Capstone-Intel.

“Ensuring a well-informed public about menopause and its impact on women’s health is crucial for promoting their overall well-being and fostering greater understanding and appreciation from their families. A potential solution to achieve this is through the implementation of a national campaign by the government,” suhestiyon nito.

Ayon pa rin sa datos, 36% ng mga respondente ang nagpahayag ng kanilang pagpayag na makilahok sa mga talakayan sa kanilang mga pamilya kaugnay sa mga sintomas at epekto ng menopause.
Higit pa rito, ipinahihiwatig ng datos na 10% ng mga respondente ang nakaaalam na ang menopause ay may masamang epekto sa pangkalahatang kalidad ng buhay.

****

Upang malaman ang higit pa tungkol sa datos, mangyaring tingnan dito https://www.capstone-intel.com/understanding-menopause

381

Related posts

Leave a Comment