PEDICAB DRIVER PINATAHIMIK SA DROGA

HINIHINALA ng pulisya na may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay sa isang 28-anyos na pedicab driver na pinagbabaril sa isang eskinita sa Gate 56, Area- H, Parola Compound, Binondo, Manila noong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Jomar Natalio, binata, residente ng Parola Compound, sakop ng Binondo.

Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek na hindi pa nakikilala.

Base sa ulat ni Det. Jason Ibasco ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-2:50 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.

Nakaupo umano ang biktima sa eskinita nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ng isa sa mga ito si Natalio habang look-out naman ang kasama.

Matapos ang pamamaril, kaswal lang na nilisan ng dalawa ang lugar patungo sa main road ng Manila International Container Terminal (MICT).

Mabilis namang isinugod ang biktima sa Gat. Andres Bonifacio Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang anggulong ilegal na droga sa insidente.

(RENE CRISOSTOMO)

159

Related posts

Leave a Comment