PHILHEALTH HINIMOK ARALIN NA IBABA SA 3% ANG MEMBERS’ CONTRIBUTION

HINILING ni Senador JV Ejercito sa Philippine Health Insurance Corporation na pag-aralan kung kaya pang ibaba sa 3 percent ang members’ contribution kasunod ng deklarasyon ng ahensya na mayroon itong excess fund.

Ito ay kasunod ng rekomendasyon ni Senate Minority leader Koko Pimentel sa isinagawang pagtalakay sa panukalang pag-amyenda sa Universal HealthCare Law na ang pangunahing layunin ay ibaba ang kontribusyon ng mga miyembro.

Sinabi ni Ejercito na hinihintay nila ang actuarial computation ng Philhealth upang matukoy kung kaya pang ibaba ang members’ contribution.

Sa ngayon ang isinusulong ni Ejercito sa pag-amyenda sa UHC ay maibaba ang kontribusyon sa 4 percent mula sa kasalukuyang 5 percent.

Kasabay nito, aminado ang senador na mas magiging malaking tulong din anya kung ipag-utos muna ni Pangulong Ferdinand Marcos ang pagbaba ng kontribusyon habang patuloy pa ang pag-amyenda sa UHC Law.

Sa tantya naman ni Ejercito, posibleng maipasa na sa 3rd reading ngayong Linggong ito ang panukalang pag-amyenda.

Inihayag din ni Ejercito na posibleng pag-aralan kung maaari nang ituring na health related issue ang pagbabayad sa health workers benefits noong panahon ng pandemya na bahagi ng pinaggamitan ng P20 bilyong naunang inilipat na pondo ng Philhealth.

Subalit umaasa ang senador na ang nalalabi pang P70 billion na target ibalik sa National treasury ay dapat magamit na lamang sa pagtataas ng benepisyo ng Philhealth o pagbababa ng kontribusyon ng mga miyembro.(Dang Samson-Garcia)

106

Related posts

Leave a Comment