TAAS-BUWIS SA PRIVATE SCHOOLS KINATIGAN NG PALASYO

0

SUPORTADO ng Malakanyang na taasan ang corporate income tax ng pribadong eskuwelahan.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, suportado ng Malakanyang ang posisyon ni Finance Secretary Carlos Dominguez II, na nanindigan sa naging desisyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na magpatupad ng “higher” income tax sa mga private school.

Pinanindigan ni Dominguez ang BIR regulation.

Giit nito, sinusunod lamang ng BIR ang “original definition” ng Tax Code nang gawin nila ang bagong ruling.

“Nagsalita na ang ating kalihim na Secretary of Finance and we, of course, support the position of the Secretary of Finance, na ‘yung interpretasyon ng BIR doon sa non-profit schools na dapat 100% ng kinikita nila ay hindi napupunta sa any other purpose other than for the purpose of the school is pursuant to the CREATE law and pursuant to establish jurisprudence,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Sinasabing, dalawa sa “largest associations” ng mga pribadong eskuwelahan kasama ang 31 colleges at universities, ang naghain ng petisyon sa Court of Tax Appeals (CTA) na humihiling na pahintuin ang BIR mula sa pagtataas ng kanilang corporate income tax ng 150%, at isa itong malinaw na paglabag sa Tax Code at sa Saligang Batas.

Nauna rito, nagbabala ang mga private school na mas marami pang nasa hanay nila ang mapipilitan magsara o magtaas ng tuition fee dahil sa “ill-timed” regulation ng BIR na taasan ang kanilang income tax rate ng 150%. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment