TULAK TODAS SA BATANGAS BUY-BUST

BATANGAS – Patay ang isang drug personality matapos mauwi sa engkwentro ang isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng San Juan sa lalawigan noong Martes ng gabi.

Ayon sa report, ikinasa ng mga tauhan ng San Juan Municipal Police Station ang buy-bust operation laban sa drug suspect na si alyas “Balut” dakong alas-7:00 ng gabi sa Brgy. Lipahan.

Subalit nakatunog ang suspek na mga pulis ang ka-deal kaya nauwi ang operasyon sa armed encounter.

Tinamaan sa kanang hita ang suspek sa palitan ng putok at isinugod sa San Juan District Hospital subalit idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Nakuha mula sa napaslang na suspek ang 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ang P34,000, at .38 kalibreng baril. (NILOU DEL CARMEN)

119

Related posts

Leave a Comment