NEXT PH PRESIDENT ILULUKLOK NG ‘TROLL ARMIES’

HINDI malayong ang ‘troll armies’ ang magluluklok ng susunod na presidente ng Pilipinas kapag hindi napigilan ang mga ito at hayaang magamit ang pondo ng mamamayang Filipino sa kanilang operasyon.

Ito ang nag-udyok sa mga kinatawan ng Bayan Muna sa Kamara para ihain ang House Resolution (HR) 1900 para paimbestigahan sa House committee on public information ang pagtatayo ng Internet troll farms ng isang opisyal ng gobyerno.

“These troll farms are very dangerous to our democracy especially the coming elections as they can create a false clamor for a fake presidential candidate. Kapag ganyan ang mangyari baka magkaroon ng presidente na iniluklok ng mga trolls,” ani Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

Hindi aniya ito dapat hayaan ng Kongreso kaya itinutulak nilang imbestigahan ito sa lalong madaling panahon upang alamin kung sino ang mga opisyal na nasa likod ng sinasabing troll farms.

“It is imperative therefore that these troll farms should be investigated and stopped as this pose a clear and present danger to our democratic processes and institutions,” ani Zarate.

Unang isiniwalat ni Sen. Panfilo Lacson na nagre-recruit na umano ng troll armies ang isang opisyal ng gobyerno sa bawat probinsya na ang trabaho ay ibenta ang kanilang kandidato at sirain ang mga kalaban.

Gagamitin umano ang mga ito sa 2022 elections bilang mga propagandista kaya nangangamba si Zarate na sila ang magdidikta kung sino ang susunod na maging pangulo ng Pilipinas.

Ini-report ng SAKSI Ngayon na mula P35,000 hanggang P70,000 ang pangakong sahod sa troll armies kada buwan at isang senador umano na nagbabalak na tumakbo bilang pangulo ang nasa likod nito.

“We have to know whether public funds are being used in these operations and whether these are also the ones spearheading the massive red-tagging campaign against progressives, media, church people, lawyers, critics and the opposition,” ayon pa sa mambabatas.

Nauso ang troll armies nang maluklok si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang noong 2016 kung saan lahat ng kritiko at mga kontra sa polisiya ng gobyerno ay sinisiraan ng mga ito.

Mariing itinatanggi ni Presidential spokesman Harry Roque na may kinalaman ang Palasyo subalit noong 2019, binura ng Facebook ang 73 FB accounst, 29 Instagram accounts dahil umano sa “coordinated inauthentic behavior”.

“Twinmark is the company behind Trending News Portal, the top website shared by former Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson,” ayon sa mambabatas.

“In March 2019, Nathaniel Gleicher, Head of Cybersecurity Policy of Facebook, attributed the “coordinated inauthentic behavior to a network organized by one Nic Gabunada, who was identified as President Duterte’s social media handler in the 2016 elections, despite attempts to cover their tracks,” ayon pa sa resolusyon sa Kamara kaya hindi maaaring maghugas-kamay dito si Roque. (BERNARD TAGUINOD)

107

Related posts

Leave a Comment