Nilaro ng netizens sa pagkakasama sa kaso sa ICC BONG GO NEXT ‘MIA’ SA SENADO?

PINAG-USAPAN sa social media nitong weekend ang inilabas na charge sheet ng International Criminal Court kung saan pinangalanan sina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go bilang co-perpetrators sa kasong may kaugnayan sa kampanya kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tulad ng inaasahan, nilaro nang todo ng mga netizen ang pagkakadawit ng dalawa at halos iisa ang kanilang paniniwala na susunod na magtatago si Sen. Go. Nauna nang hindi nagpakita sa Senado si dela Rosa mula nang pumutok ang balitang may arrest warrant na siya mula sa ICC.

Sa post ni Atty. Jesus Falcis sa kanyang Facebook at X account, masaya nitong ibinalita ang mga pinangalanan sa kaso.

Post niya: BREAKING: The ICC released the charge sheet against Duterte and it lists Bato Dela Rosa, Bong Go, Aguirre, and others as co-perpetrators.

It means the warrant against Bato is real. And Bong Go also has a warrant na?

Akala ko Valentines ngayon pero bakit parang PASKO?!”

Agad itong umani ng komento sa mga netizen, kabilang dito ang:

tilpinkturnsblue:
sooo ang kalalabasan nyan malalagasan ng 5 ang senate minority in total (go, bato, chiz, jinggoy, joel) robin, marcoleta, imee and kaldero nalang?

Dumoy:
Kaya pala delay lang delay ung abogado ni Duterte sa ICC, crucial kasi na sila Bato at Bong Go ay nasa Senado pa at nang maprotektahan si SaraUlo sa impeachment bago mageleksyon sa 2028
Ngayon magtatago na si Bato at Go, sira ang plano ng Duterte mafia

Joomee:
So magtatago na din si @SenatorBongGo nyan
Mababawasan ang palamunin ng bayan sa @senatePH

itsumokokoro:
So Isa nanamang senador and di papasok pero sasahod?

Belle:
Naku dalawang Senador na ang magtatago nyan tapos may sahod pa

rockoysters:
Dalawa na mag absent sa senado starting sa Monday… Aguirre is one dirty guy, don’t forget.

Gunther:
Lahat ng masasayang okasyon atty ilista nyo na sa araw na to haha… pero mas malaking celebration kapag nahuli na sila

JLX:
Watch out for Pambansang Houseboy to suddenly disappear like Pebbles did. In an ideal world both would be suspended without pay while they have to face the charges.

Wrightnow:
Hoy Bato! You’re right. Shit really happens…to you etal.

Will:
How will it affect the number of senate votes needed to convict Sara Duterte if Go and Bato are arrested by ICC?

Jeiku:
Isa na namang Dutae senator ang magtatago, yes!!!

Dead Tree:
Complete na ulit a admin ni Duterte.
Team Pagbabago

j_j:
Yahoo parang pasko nga Atty! Hulihin na lahat yang mga yan fortwith!

Gracey:
Mukhang MAY MAGTATAGO NA NAMAN! DUDIRTY BLOCK NO MORE????

Jenny:
Soon Bong Go will be MIA too

Staysafe:
I saw a video of Bong Go explaining the reward system during the start of Duterte’s term, then a few years after he denied it. Hoping that video circulates and see how a big liar he is.

marime:
so dalawang senator na ung mag hide and seek? atty

Eurus:
2 votes down for senate coup d’etat tsinators!

Consultant:
Umpisa na ng taguang pong ng mga DDShits.

Ruby:
dapat may warrant na. hulihin na baka mgtago na rin si Go.

Lola:
All Hold Departure Order lalabas ng 2027 or 2028.
Passports will be cancelled mga 2029 or 2030.
Mauuna muna ang Reward for Any Information on these people.

ILYAS:
MIA : Bong Go

Theresa:
Magtatago na rin ba si Bong Go? hahahhaaha

Cedie:
May magtatago na ring isa

coleen:
May magtatago na naman kasama ni stone

Batay sa inilabas na Document Containing the Charges (DCC) noong Pebrero 13, 2026, tinukoy si Duterte bilang indirect co-perpetrator sa ilalim ng Article 25 (3)(a) ng Rome Statute para sa mga krimen laban sa sangkatauhan, partikular ang murder at attempted murder.

Nakasaad sa dokumento na ang mga pagpatay ay umano’y naganap mula 2011 hanggang 2019, kabilang ang mga insidente sa Davao City na iniuugnay sa Davao Death Squad, at mga operasyon sa ilalim ng “war on drugs” sa panahon ng kanyang administrasyon.

Ayon sa ICC, isinama sina dela Rosa at Go dahil sa kanilang umano’y papel sa pagpapatupad at pagsuporta sa mga polisiya ng drug war.

Kasama rin sa mga tinukoy ng ICC ang ilang dating miyembro ng gabinete at law enforcement agencies na may direktang kaugnayan sa mga operasyon: Vicente Danao, Camilo Cascolan, Oscar Albayalde, Dante Gierran, Isidro Lapeña, Vitaliano Aguirre II at iba pang opisyal ng Philippine National Police at high-ranking government officials.

Pag-aaralan pa ng Pre-Trial Chamber ng ICC ang mga ebidensiya upang matukoy kung uusad sa paglilitis ang kaso.

Binigyang-diin ng ICC na ang paglalabas ng DCC ay bahagi ng transparency process at layuning ipakita ang saklaw ng pananagutan kaugnay sa tinaguriang “war on drugs” ng Pilipinas.

6

Related posts

Leave a Comment