No hospital arrest, no preferential treatment CONG. TEVES FIT FOR INCARCERATION – SEC REMULLA

MARIING inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang special treatment kay dating Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr. kaya balik-kulungan ito oras na palabasin na ng Philippine General Hospital.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, hindi nila pagkakalooban ng hospital arrest ang dating mambabatas at agad nila itong ibabalik sa kulungan.

Magugunitang na-confine si Teves matapos sumailalim sa emergency appendectomy operation noong Hunyo 18 sa PGH at kinalaunan ay tuluyan ding pinayagang makalabas sa ospital matapos ang ilang araw na pananatili rito.

Giit ni SILG Remulla, hindi bibigyan ng anomang preferential treatment ang dating mambabatas habang nasa loob ng piitan.

Sa halip aniya, ituturing din siya bilang isang karaniwang person deprived of liberty (PDL), kung paano ang pagtrato sa mga PDL na kanyang nadatnan sa loob ng kulungan, kaparehong treatment din ang ibibigay sa kanya.

Una nang hiniling ng kampo ng dating kongresista sa korte na ipagpaliban muna ang arraignment sa isa sa mga murder case nito na dating nakatakda habang siya ay nasa loob ng pagamutan at muling itinakda sa Hulyo 14, 2025.

“Teves was cleared for discharge by the Philippine General Hospital (PGH) and is, therefore, fit for incarceration,” ani Remulla, kaya balik ito sa kanyang selda sa Annex 2 ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

(JESSE KABEL RUIZ)

50

Related posts

Leave a Comment