NO PLANS TO PAUSE – NBA

“NO plans right now to pause the season,” ayon kay NBA Commissioner Adam Silver, Martes (Miyerkoles sa Manila) bilang tugon sa katanungan kung may plano ba ang liga na itigil ang ongoing season dahil sa COVID-19.

“We’ve, of course, looked at all the options. We’ve had trouble coming up with what the logic would be for pausing,” dugtong ni Silver.

Sa ulat ng ESPN, sinabi ni Silver, ang NBA league, gaya rin ng komunidad, ay kinakailangang mapag-aralan ang pamumuhay sa kabila ng virus, kahit pa nga naririyan ang Omicron variant na nagiging dahilan ng positive tests at nagresulta sa pagkakaliban ng limang laro ngayong linggo.

“This virus will not be eradicated and we’re going to have to learn to live with it. It seems the right and responsible thing to do… is to continue to play,” dagdag ni Silver.

Mahigit 80 players na ang pumasok sa NBA’s COVID-19 protocols sa nakalipas na mga araw, dahilan para luwagan ng liga ang rules hinggil sa replacement players mula sa development squads.
Dagdag pa ni Silver, pinag-aaralan na ng ligang bawasan ang ‘number of days’ na ipapahinga ng players na papasok sa protocols.

“We’re actively looking at shortening the amount of days a player is out before he can return to the floor,” paliwanag ni Silver. “We’re comfortable with the protocols we’re following right now.”

Ayon kay Silver, 97% ng NBA players ay vaccinated at 65% naman ang nakatanggap na ng booster dose, at hindi rin aniya ipipilit ang mandatory vaccinations ng mga nakikipagdayalogo sa players union hinggil sa safety measures.

“Only a very small number of people have had breakthrough cases and those have been very mild symptoms,” wika ni Silver. “The boosters are highly effective.

Aniya pa: “Many of the (unvaccinated) 3% have gotten ­COVID and developed anti-bodies. For me, the focus right now is on boosters for the 97%.”

“But the other advantage is we do have an 82-game season and we have a long playoffs and my sense is things will work out by the end of the season.”

“Our ability to find a way to keep operating is also significant for society, to show that there are ways, despite living in this COVID era, where we can find safe and responsible ways to keep going,” pagtatapos ni Silver.

PISTONS BUTATA
SA KNICKS

MAY game-high 22 points si Evan Fournier, nagposte sina Julius Randle at Mitchell Robinson ng double-doubles, nang pigilan ng New York Knicks ang second-half rally ng bisitang Detroit Pistons tungo sa 105-91 win.

Si Randle ay nagsumite ng 21 points at 11 rebounds, habang si Robinson, off the bench ay nagtala ng 17 points at 14 rebounds sa Knicks, wagi sa ikatlong beses sa 11 laro.

Si Kemba Walker, healthy scratch ng 10 sunod na laro bago bumalik sa lineup noong Sabado matapos madale ng injuries ang New York at COVID-19, ay nag-ambag ng 21 points, eight rebounds at five assists.

Ang Pistons, sa kabilang banda, nalasap ang 15th lost sa 16 games, ay nagawang maibaba ang 22-point lead ng Knicks, mula sa pagsisikap ni Saben Lee, off the bench ay umiskor ng 12 ng kanyang 16 points sa second half. Habang ang kapwa reserve na si Trey Lyles ay may 13 points sa second half.

Sina Detroit’s Saddiq Bey at Cory Joseph, may tig-15 puntos, at 10 points mula kay Hamidou Diallo at 11 rebounds kay Isaiah Stewart.

Umangat muna ang Pistons, 14-9 bago umiskor ng lima si Taj Gibson mula sa 10-0 run, at nagbigay sa Knicks ng abante.

Abante ang New York, 24-17 matapos ang first period, idineretso sa 48-37 sa halftime at iniskor ang unang 11 points ng second half tungo sa pinakamalaking lamang, 59-37.

Nagsanib sina Lyles at Lee sa 16-8 run ng Pistons at tinapos ang third period sa iskor na 80-69.

Nagpatuloy ang pressure ng Detroit sa unang bahagi ng fourth quarter, na-out-score ang Knicks 12-6 at nagawang dumikit, 86-81 mula sa three-point play ni Lee.

May tsansa ang Pistons na makadikit nang husto sa sumunod na posesyon, matapos magmintis ni Fournier, ngunit nawala kay Diallo ang bola at halos limang minuto ring walang nagawa ang Detroit.

Muling umabante ang Knicks ng double-digit mula sa 3-pointer ni Fournier, 91-81, 7:44 pa at dalawang beses pang lumamang hanggang 15 points hanggang matapos ang laro.

HEAT NAGLIYAB
KONTRA PACERS

PINANGUNAHAN ni Tyler Herro, nagbalik buhat sa three-game injury absence, ang opensa ng Miami Heat, nagtala ng game-high 26 points tungo sa 125-96 win kontra bisitang Indiana ­Pacers.

Tumabla ang Heat sa franchise record, 22 3-pointers, nang maglista ng shooting 44.9% (from distance) at 49.5% overall.

Tumabla rin si Duncan ­Robinson sa kanyang season-high 26 points sa Heat, may 10-of-16 shots sa floor at 6-of-10 sa long range.

Kinapos naman si Kyle Lowry sa triple-double, game-high 12 assists, 11 rebounds at eight points.

Si Herro, lumiban sanhi ng quad contusion, ay 8-of-17 shots, kasama ang 5-of-8 (from distance).

Nasa kanyang ikatlong taon sa NBA, si Heat guard Max Strus ay sumalang sa una niyang career start at tumapos na may 18 points.

Maging si Miami reserve Omer Yurtseven ay may game-high 13 rebounds.

Sa kabilang banda, nanguna sa Indiana sina Caris LeVert at Chris Duarte, may tig-17 points.

Nagbalik na rin si point guard Malcolm Brogdon, nawala ng ­ilang laro sanhi ng foot injury, pero sumalang ng walong minuto lang at hindi na lumaro sa second half. May one point at two assists.

Maging si Pacers coach Rick Carlisle ay balik na rin sa bench makaraan ang apat na sunod na larong liban sanhi ng COVID-19 protocols.

Binatak ng Heat ang lead sa 68-45 sa halftime, kung saan may 52.1% shooting sa floor kasama ang 11-for-24 sa 3-pointers (45.8%). Habang ang Indiana ay 37.5% overall at 3-for-14 sa 3-pointers (21.4%).

Angat ang Miami, 98-69 matapos ang third quarter at ­ipinagpatuloy hanggang sa fourth.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Dallas Mavericks kontra Minnesota Timberwolves, 114-102. Habang talo sa ikatlong sunod na pagkakataon ang Los Angeles Lakers, 108-90 laban sa Phoenix Suns.

Tinalo naman ng New Orleans Pelicans ang Portland Trail Blazers, 111-97.

159

Related posts

Leave a Comment