NSC ITINANGGI NA MAY NAMUMUONG HIDWAAN SA SECURITY SECTOR

MARIING pinabulaanan kahapon ng National Security Council na may namumuong rift o hidwaan sa hanay ng security sector ng bansa bunsod umano ng isinagawang reorganization ng NSC.

Ayon kay Assistant Director General Jonathan Malaya, posibleng ipinakakalat lamang ito ng ilang hanay kabilang ang mga militanteng grupo partikular ang Makabayan Bloc para lumikha ng isyu at pag-awayin ang mga nasa pamahalaan.

Magugunitang sa inilabas na pahayag ng Makabayan Bloc, kaugnay sa isinagawang reorganization sa NSC kung saan inalis sina Vice President Sara Duterte at tatlong dating pangulo ng bansa ay pagpapakita umano ng lumalalang rift or hidwaan sa loob ng security sector.

“Ako na po ang nagsasabi na maliwanag sa ating programa ngayon, wala pong rift sa ating security sector, ang atin pong unipormadong sundalo at personnel ng ating pamahalaan ay 100 percent behind the constituted authority and the chain of command. Kung meron man po kayong nakikita sa social media na mga tao na may mga hinaing o may mga komento, ito po siguro ay mga retiradong miyembro ng armed forces, wala pong mga incumbent or current officials of the armed forces na hindi sumusuporta sa chain of command, nasisiguro ko po yan,” ani ADG Malaya sa Bagong Pilipinas interview.

Aniya pa, pang-iintriga lamang ito ng Makabayan Bloc para makakuha ng media mileage lalo na at mag eeleksyon.

Wala rin umano itong kinalaman sa territorial dispute sa China. (JESSE KABEL RUIZ)

303

Related posts

Leave a Comment