NUMBER CODING PALALAWAKIN

MAAARING lumawak pa ang number coding scheme sa pagbaba ng Kalakhang Maynila sa Alert Level 1.

Pahayag ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos na ianunsyo ng Malakanyang ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang National Capital Region at 38 iba pang lugar ay isasailalim sa “least restrictive quarantine classification” simula ngayong Marso 1.

Sinabi ni MMDA Special Operations Group head Bong Nebrija na maaaring palawakin ng ahensiya ang traffic scheme matapos makita ang traffic volume sa Kalakhang Maynila.

“It may take 3 days to one week for us to get a volume count,” ayon kay Nebrija.

Ang kasalukuyang number coding ay ipinatutupad mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi tuwing weekdays, sakop ang private vehicles. (CHRISTIAN DALE)

138

Related posts

Leave a Comment