NURSE, 2 NPA TUMBA SA ENCOUNTER

ISABELA – Napaslang ng militar ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA), kabilang ang team leader at isang medical officer, sa sagupaan ng mga rebelde at mga sundalo sa bayan ng Ilagan sa lalawigang ito.

Habang tatlo pang mga rebelde ang sumuko makaraan ang sagupaan sa Brgy. Rang-ayan, City of Ilagan, ayon sa ulat ng Philippine Army kahapon.

Nabatid sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni Philippine Army chief, Lt. Gen. Gapay, ni Brig. General Laurence Mina, Commanding Officer ng Army 502nd Infantry Brigade, ang tatlong rebeldeng sumuko ay kinilala sa mga alyas na Alvin, Jambi at Leslie.

Nauna rito, nagresponde ang mga kasapi ng 95th Infantry Battalion hinggil sa sumbong ng concerned citizens kaugnay sa presensiya ng tinatayang 30 kasapi ng NPA sa nasabing lugar na nagresulta sa engkwentro.

Ang mga rebelde ay kasapi ng pinagsanib na grupo ni Ka Brad ng RSDG, at Ka Bang ng Central Front

Sinabi ni Brig. Gen. Mina, iniwanan ng mga rebelde ang kanilang mga kasamahang napatay kaya’t nakuha ng mga sundalo.

Ayon kay Major Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th infantry Division ng Philippine Army, nangyari ang engkwentro sa Brgy. Rang-ayan.

Nakuha sa encounter site ang isang M-16 armalite rifle at tatlong .45 kalibreng baril. (JESSE KABEL)

 

292

Related posts

Leave a Comment