NURSE SINAKSAK NG PASYENTE, PATAY

BOHOL – Patay ang isang nurse habang sugatan ang isang utulity personnel matapos na atakehin at saksakin ng gunting ng isang lalaking pasyente sa Bohol Doctors Hospital sa Barangay Bool, Tagbilaran City noong Huwebes ng umaga.

Ayon sa report, agad namatay ang biktimang nurse na si Marjorie Abuyen Visarra, 51-anyos, residente ng Barangay Dao, Tagbilaran City, dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Bahagyang nasugatan naman ang isang 21-anyos na utility worker na si Francis Añora nang tangkain nitong hadlangan ang suspek.

Batay sa imbestigasyon, na-confine ang suspek na si Marlito Linguis, 31-anyos, dahil sa diarrhea pero pa-discharge na sana ito nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Police Lt. Col. Kareen Escober, hepe ng Tagbilaran City Police, base sa pahayag ng suspek, may nasabi umano ang nurse na ikinagalit nito kaya kumuha ito ng gunting at a inundayan ng saksak ang biktima.

Napag-alaman din na ang suspek ay dating drug surenderee noong 2017.

Nasa kustodiya na ito ng mga awtoridad at nahaharap sa kasong murder at physical injury.

Kinondena naman ng Philippine Nurses Association – Bohol Chapter ang naturang pangyayari at nanawagan ang mga ito ng hustisya para sa namatay na nurse. (NILOU DEL CARMEN)

326

Related posts

Leave a Comment