BLIND Item ulit tayo:
Sino itong miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na mistulang takot na takot at sobrang OA as in over acting sa kanyang security dahil kung umasta ang kanyang mga security ay parang head of state ang kumag.
Mismong ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent ang naka-Saksi kung gaano ka-OA ang security ng mambabatas na ito nang dumating sa Batasang Pambansa para magtrabaho at i-secure ang kanyang pondo.
Bagama’t 30 kilometer per hour lamang ang pinapayagang takbo ng mga sasakyan sa loob ng Batasan Complex, higit doble dito ang takbo ng convoy ng mambabatas kaya natataranta ang ibang motorista.
Pagdating ng convoy ng mambabatas sa harap ng gusali kung saan papasok ang mga kongresista na diretso sa session hall, biglang nagbabaan ang napa karaming security nito at pinaligiran ang sasakyan kung saan ito nakasabay.
Ang malupit, fully secured ang Batasan Complex na binabantayan ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) bukod sa white guard at mga lehitimong security forces ng Kamara.
Pero kung umasta ang mga security ng mambabatas ay parang may titira sa kanilang amo dahil lahat ng 12 bodyguard ay nakapaligid sa kanyang sasakyan dahil hindi agad ito bumaba.
Hindi rin puwedeng pumarada ang isang sasakyan sa tabi ng kotse ng mambabatas dahil pinapalayo ito ng kanyang mga bodyguard na pawang mga nakabarong at plantsadong-plantsado ang pantalon.
Inabot ng ilang minuto sa loob ng sasakyan ang mambabatas na fully tinted at napag-alaman ng inyong DPA na bulletproof ito para mag-ayos ng mukha. Hindi lang siguro nagpulbo ito bago bumaba.
Nang bumaba na, nakahilera ang kanyang mga security sa magkabilang panig papasok sa gusali at saka lang siya iniwan nang matiyak na ng kanyang mga OA na security na nakapasok na ito sa loob ng session hall.
Dahil sa inaasta ng kanyang mga body guard, maraming mambabatas ang nagtataas ng kilay at napapailing na lamang dahil animo’y head of state ang kanilang binabantayan at kahit sa loob ng
Batasan Complex ay sobrang higpit ng mga ito.
Nalaman din ng inyong DPA na mas matindi ang security ng mambabatas kapag nasa kaniyang distrito ito, dahil bukod sa mga close-in bodyguard na halos ayaw siyang hiwalayan, ay mayroong advance security force ito sa bawat lugar na kanyang pinupuntahan.
Parang takot na takot ito sa sariling teritoryo kaya gumagastos ito ng malaki para masiguro na kahit isang kurot ay hindi nito maranasan mula sa kanyang mga constituent.
Hindi lang malaman kung ano talaga ang kinatatakutan ng mambabatas na ito subalit marami raw ang asar sa mokong na ito dahil mahilig itong mang-away imbes na makipag-kaibigan.
Clue: Madaldal at mataray ang turing ng kanyang mga kasamahan sa mambabatas na ito pero isa syang lalake at mula sa isang malapit na probinsya. Mayroon letrang F ang kanyang pangalan as in Fafa.
