OBIENA PAPALITAN

Ni ANN ENCARNACION

HINDI makakaabot sa takdang oras si Filipino pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena kaya papalitan siya bilang flag ­bearer ng Pilipinas sa Tokyo Olympics.

Ito ang sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) ­president Abraham “Bambol” Tolentino sa Philippine ­Sportswriters Association (PSA) forum kahapon.

Sina Obiena at Filipino-Japanese judoka Kiyomi Watanabe ang ipinahayag noong nakaraang linggo na magiging flag bearer ng bansa sa 32nd Olympics. Ngunit dahil sa time constraint ay kailangang palitan si Obiena.

“Obiena is set to arrive to Tokyo on July 23, at 12:30 local time. Masyadong mahaba raw ang pila based on report we received. It will take at least five hours para makumpleto ang process. Masyadong nakakapagod iyun at hindi pa sigurado kung ano ang magiging resulta sa swab test,” paliwanag ni Tolentino.

Isa pa sa inaalala ng POC head ay wala pang COVID vaccine ang unang atleta na nag-qualify sa atrasado nang isang taong Tokyo Games.

Inaasahang iaanunsiyo ng sports agency ang bagong flag bearer ng bansa ngayong araw (Miyerkoles).

“Pipili kami sa kung sino ang available na nandoon na siguro,” sabi pa ni Tolentino.

134

Related posts

Leave a Comment