PATAY ang isang lalaki nang mahulog mula sa bubong ng isang warehouse makaraang tumilapon nang sumabog ang transformer sa poste ng kuryente sa Malabon City, nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ang biktimang si Jonathan Constantino, 24, plumber at residente sa #212 B. Enriquez St., Brgy. Panghulo, Obando, Bulacan.
Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Jovirth Labaton, 25, ng #212 B. Enriquez St., Brgy. Panghulo, Obando, Bulacan, dakong alas-8:45 ng umaga nang mangyari ang insidente sa loob ng Unican compound sa #202 Gov. Pascual Ave., Brgy. Catmon, Malabon City.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, umakyat ang biktima at kanyang dalawang katrabaho sa bubong ng warehouse kung saan sila nagtatrabaho sa loob ng naturang compound.
Ngunit bigla na lamang sumabog ang transfornmer sa poste ng kuryente naging dahilan upang tumilapon ang biktima bunsod ng malakas na boltahe at nahulog mula sa bubong na nagresulta ng kanyang kamatayan.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente. (FRANCIS SORIANO)
529 