Obrero, tsuper na humihingi ng ayuda ITINABOY SA MENDIOLA

NAUNSIYAMI ang pagkilos ng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) at Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) nang harangin sila ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) bago makatuntong sa paanan ng Chino Roces Bridge, dating tulay ng Mendiola sa Maynila, nitong Biyernes.

Bandang alas-10:44 ng umaga nang dumating sa lugar ang dalawang grupo na may bitbit na mga kaldero at kawali bilang highlight ng kanilang protesta.

May dala rin ang grupo na mga placard na nagsasaad ng kanilang hinaing sa gobyerno.

Iginiit ng mga raliyista na mabigyan ng P100 kada araw na subsidy bilang ayuda ang mga manggagawa.

Gayunman, hinarang sila ng mga tauhan ng MPD bago sila makatuntong sa paanan ng Chino Roces Bridge.

Matapos ang kanilang maikling programa ay nagpasyang lumisan na lamang ang mga raliyista. (RENE CRISOSTOMO)

205

Related posts

Leave a Comment