OBRERONG WALANG MASAKYAN HUWAG PILITING PUMASOK

HINDI dapat sisihin ang mga manggagawa kung tatanggi ang mga ito na mag-report na sa trabaho dahil ang kanilang mga employer ay hindi nag-provide ng transport services.

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, ang mga kumpanya ay kailangan na mag-provide ng shuttle services o near-site accommodations para sa kanyang mga empleyado dahil na rin sa nananatiling suspendido ang public transport sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

“Kung wala po talaga silang masasakyan, I don’t think that can be taken against the employee,” ani Sec. Roque.

Nauna rito, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang empleyado na tatanggi na magbalik-trabaho ay nanganganib na mawalan ng trabaho.

Ani Sec. Lopez, kailangan na makahanap ng paraan ang mga employer at mga empleyado para tugunan ang problemang kakulangan ng public transport.

Ang Metro Manila, Laguna, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Angeles City, Zambales at Laguna ay nasa ilalim ng MECQ hanggang May 31 maliban na lamang kung maagang babawiin o palalawigin ng pamahalaan. CHRISTIAN DALE

101

Related posts

Leave a Comment