OCD, AFP, PNP INALERTO SA SUPER TYPHOON ROLLY

PINAGHAHANDA ng pamahalaan ang Office of Civil Defense, mga kasapi ng Armed Forces of the Philippine at Philippine, National Police at maging alerto sa posibleng malawakang pinsalang idudulot ng Bagyong “Rolly” na kasalukuyang nasa signal no.3 na sa Cantaduanes at inaasahang tatama sa Central Luzon.

Nitong Sabado, pinasimulan nang pakilusin ng pinuno ng lahat ng commander ng puwersa ng military na naka-deploy sa north of Manila sa posibleng disaster response operations habang papalapit ang Typhoon Rolly na may international name na “Goni”.

Ayon kay Major General Arnulfo Marcelo Burgos, Jr., commander ng AFP’s Northern Luzon Command, inatasan niya ang lahat ng pinuno ng iba’t ibang Joint Task Forces sa ilalim ng kanyang pangangasiwa, na tiyaking ang lahat ng mga sundalo, sailors, airmen at marines, kabilang ang kanilang land, air and water assets, na naka-alerto at handa sa mabilisang pagtugon sakaling kailanganin ng taongbayan.

Inihayag ni MGen. Burgos na bawat JTF ay may organic Disaster Response Units na kanilang inaktibo at proactively deployed sa panahon ng kalamidad upang mabilis na makatugon sa pangangailangan ng mga komunidad sa kanilang nasasakupan.

“For faster coordination, close monitoring and seamless response before, during and after the typhoon,” ayon kay MGen. Burgos … “our units to liaise and engage the different Offices of Civil Defense in the regions within our operational jurisdiction.”

Kaugnay nito, pinaalalahanan din ni Maj. Gen Burgos ang kanyang mga nasasakupan “to remain vigilant against any possible offensive actions from NPA terrorists who, historically speaking, have demonstrated blatant disrespect to internationally-accepted war conventions by attacking unarmed soldiers who were merely performing humanitarian missions in the past”.

Base sa pagtataya ng PAGASA at maging ng United States Navy – United States Air Force Joint Typhoon Warning Center (JTWC), posibleng lumakas ang tropical cyclone Rolly at maging isang ganap na super typhoon bago mag-landfall sa Luzon particular sa Central Luzon at Aurora province.

Partikular na inalerto ng pamahalaan ang AFO-NOLCOM, na may mga elemento mula sa Philippine Army, Airforce, Navy at Marine units na strategically deployed sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera Administrative Region bukod pa sa iba’t ibang Maritime Areas sa West Philippine Sea, Batanes Group of Islands at Philippine Rise sa Pacific Ocean.

Ayon sa PAGASA, Nakataas na ang signal No. 3 sa Catanduanes.

Signal No. 2 naman sa central at southern portions ng Quezon (Mauban, Sampaloc, Lucban, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Sariaya, Tayabas City, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Macalelon, General Luna, Catanauan, Mulanay, San Francisco, San Andres, San Narciso, Buenavista, Lopez, Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Quezon, Alabat, Perez), kabilang na ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Burias, Ticao Islands, Marinduque at Northern Samar.

Signal No. 1 sa Masbate, the rest of Quezon, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Romblon, Occidental Mindoro kabilang na ang Lubang Island, Oriental Mindoro, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Pangasinan, La Union, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, at southern portion ng Isabela (Aurora, Luna, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven, San Mariano, Palanan, Dinapigue, San Guillermo, Echague, San Agustin, Jones, Cordon, Santiago City, Ramon, San Isidro, Angadanan, Alicia, Cauayan City, Cabatuan, San Mateo); northern portion ng Samar (Tagapul-An, Almagro, Santo Nino, Tarangnan, Catbalogan City, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Jiabong, Motiong, Paranas, San Jose de Buan, Matuguinao), northern portion ng Eastern Samar (Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo) at Biliran.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 480 km sa silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.

Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 20 kph.

May taglay itong lakas ng hangin na 215 kph at may pagbugsong 265 kph. (JESSE KABEL)

235

Related posts

Leave a Comment