OFWs, NALUNGKOT SA ‘REDLIST’ NG IATF

Aksyon OFW

MAPAGPALANG araw mga ka-Saksi, abot-abot ang kalungkutan at panghihinayang ng mga kabayani nating overseas Filipinos dahil sa inanunsyo ng IATF ang travel ban sa mga bansang nasa ilalim ng red list dulot ng bagong COVID variant na ‘Omicron’ na nananalasa sa mga bansa sa Europa at Africa.

Sa group chats ng mga ­kabayani natin, ­nanghihinayang sila sapagkat naka-book na umano ang kanilang flights sa Pilipinas para makasama ang kanilang pamilya sa Kapaskuhan hanggang New Year.

Nagastusan na umano sila sa COVID tests, tiket at nabiling mga pasalubong at iba pang regalo sa mga kamag-anak, na-postponed ang kanilang pag-uwi sa bansa.

Sa inilabas na IATF advisory, hindi pinapayagan na makapasok ang mga byahero mula sa mga bansang nasa red list, gaya ng Austria, Belgium, Czech Republic, ­Hungary, Italy, The Netherlands, Switzerland, Botswana, Eswatini, Lesotho, Mozambique, Namibia, South Africa at Zimbabwe.

Epektibo na ang travel ban simula Nov. 28 hanggang Dec. 15, 2021.

Panalangin po natin na matapos na ang pandemyang ito para makapiling ng mga kabayaning overseas Filipinos ang pamilya nila sa Pilipinas na hassle-free at masayang pagdiriwang ng Pasko.

***

Good News!

AKOOFW at EUROTEL, NAGSANIB PWERSA SA PAGTULONG SA MGA BIKTIMA NG SUNOG SA QC

Kahit bumubuhos ang ulan nitong Linggo (Nov. 28), namigay po tayo ng daan-daang bags ng relief goods na kinabibilangan ng bigas, can goods, noodles, personal hygiene kits, kumot at towels mula sa Eurotel at AKOOFW party-list na pinamumunuan ni Dok Chie Umandap sa higit 200 pamilyang natupok ang mga bahay sa sunog sa Brgy. Manresa, Quezon city kamakailan.

Bukod sa natanggap na relief goods, nagpakain pa ang AKOOFW ng mainit na arroz caldo sa daan-daang residenteng nasunugan ng mga bahay noong nakaraang linggo.

Nagpapasalamat po tayo sa mga nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng sunog sa Brgy. Manresa, Quezon City na sina dating OFWs Nald Santos at Cesar Gervacio gayundin kay Eagle Kuya ­Jayton Coronel at volunteers.

Nagpapasalamat naman sina Chairman Arturo ‘Bong’ Tambis at Kagawad Jesus Loba ng Brgy. Manresa sa inabot na tulong ng Eurotel at AKOOFW party-list sa mga kababayan nilang nasunugan.

Para sa inyong opinyon, komento at suhestiyon, ­ipadala lang sa dzrh21@gmail.com.

133

Related posts

Leave a Comment