Oil price rollback pangiliti lang sa taumbayan MAS MAKIKINABANG SA TAX SUSPENSION

KAILANGAN pa ring suspendehin ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law sa mga produktong petrolyo dahil wala rin halos epekto ang rollback na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Giit ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, hindi sapat kung mababawasan man ng 85 centavos ang presyo ng diesel at P1.20 ang ibababa ng halaga ng diesel.

Ayon sa mambabatas, nakapasa sa committee level ang House Bill (HB) 10488 at nakatakda na itong isalang sa deliberasyon sa plenaryo ng Kamara para sa ikalawa at ikatlong pagbasa.

“Malaking alwan ang idudulot ng House Bill 10488 sa mga motorista at konsyumer dahil tatanggalin nito ang mga TRAIN excise tax sa langis sa loob ng 6 na buwan,” ayon sa mambabatas.

Base sa nasabing panukala, sususpindehin sa loob ng 6 na buwan ang excise tax sa diesel at Liquified Petroleum Gas (LPG) at diesel.

Kapag naipasa ito, ang excise tax rates sa regular premium gasoline ay ibabalik sa P4.35 mula sa kasalukuyang P10 o P5.65 kabawasan sa bawat litro ng nasabing produkto habang mababawasan din ng P3 ang presyo ng premium gasoline dahil ang excise tax na P10 sa kasalukuyan ay magiging P7 na lamang.

Hindi na rin papatawan ng excise tax ang mga diesel, kerosene kaya mababawasan ng P6 – P5, ang presyo ng mga nasabing produkto habang P3 naman ang maibabawas sa bawat kilo ng LPG dahil hindi na papatawan ng excise ang mga ito.

Kinuwestiyon din ng mambabatas ang napakaliit na rollback na ipinatutupad ng oil companies kung pagbabasehan aniya ang presyo ng krudo sa world market. (BERNARD TAGUINOD)

128

Related posts

Leave a Comment