PINABORAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno ” Domagoso ang panukalang magkaroon ng isang araw na “family day” sa lungsod at mapayagan ang mga batang 15 taong gulang pababa na makabisita sa mga tourist attraction na may open spaces.
Ito ang reaksiyon ni Moreno sa panukala ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na alisin na ang age restrictions para sa mga taong nais bumisita sa Intramuros, na muling binuksan sa publiko nito lamang Pebrero 17.
Ayon kay Moreno, makatutulong ang mga naturang aktibidad upang makabangong muli ang lokal na ekonomiya na pinabagsak ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“Pangalawa, if there’s an open space as an alternative for our people to go to, hinihikayat namin ‘yan, especially sa Intramuros,” aniya pa. (RENE CRISOSTOMO)
396 