Sa ikalawang taon nito, itinataas ng Sining Filipina ang panawagan para sa mga babaeng alagad ng sining na tukuyin at ipakita ang kahulugan ng pagiging isang babae na nangunguna sa pagpapanatili ng ating kalikasan at kinabukasan, sa ilalim ng temang “Her Earth, Her Future.”
Panawagan sa lahat ng Filipina artists!
Nagbabalik ang Sining Filipina, ang kauna-unahang nationwide all-women art competition sa Pilipinas! Sa temang “Her Earth, Her Future,” hinihikayat ng 2025 edition ng patimpalak na ito ang mga kababaihang alagad ng sining na ipakita ang kanilang interpretasyon ng mga kababaihang nangunguna sa larangan ng sustainability.
Inilunsad ng SM Supermalls at Chinabank, sa pakikipagtulungan ng Airspeed para sa Zonta Club of Makati and Environs, layunin ng Sining Filipina na bigyang-lakas ang mga babaeng artist sa pamamagitan ng pagbibigay ng platform para maipahayag ang kanilang pagkamalikhain at maitampok ang sining bilang tagapagtaguyod ng social change.
(Mula kaliwa): Emcee Rico Hizon, Zonta Club of Makati and Environs Committee Chairperson of Sining Filipina Stella Cabalatungan, Airspeed President Rosemarie Rafael, Chinabank Vice President (VP) for Marketing Niña Reynoso, Chinabank Senior Marketing Consultant Nita Claravall, Chinabank VP for Marketing Aileen Vallesteros, and SM Supermalls Vice President for Corporate Marketing Grace Magno
(Mula kaliwa, likod): Emcee Rico Hizon, Airspeed President Rosemarie Rafael, Zonta Club of Makati and Environs (ZCME) Past President Armita Rufino, ZCME Committee Chairperson of Sining Filipina (SF) Stella Cabalatungan, Art Association of the Philippines President Fidel Sarmiento, ZCME’s Melissa Romualdez, SM Supermalls Vice President for Corporate Marketing Grace Magno, Past President Carol Llanillo, and SF Judging Committee Chair Ada Mabilangan. (Mula kaliwa, harap): ZCME Past International President Olivia Ferry, ZCME President Joanne Zapanta-Andrada, and ZCME Past President Maritess Pineda.
Si Hanna Joy Sayam ay ginawaran ng grand prize sa kategoryang figurative para sa kanyang “Pira-pirasong Tela ng mga Marias” noong nakaraang taon sa inaugural awarding ceremony ng Sining Filipina art competition sa SM Aura.
Si Maria Gemma San Jose at ang kanyang obra maestra na “Layers of Experience” (kaliwa, sa taas) ay nagkamit ng pinakamataas na karangalan sa kategoryang non-figurative noong nakaraang taon sa Sining Filipina art competition awarding ceremony sa SM Aura.
Simula sa Enero 3, maaaring mag-email ang mga interesadong artist sa siningfilipina.secretariat@gmail.com o i-follow ang Zonta Club of Makati and Environs sa social media para makuha ang official entry form at iba pang detalye tungkol sa competition. Ang deadline para sa lahat ng entries ay Pebrero 13, 2025.
Para sa mga artists na sasali, maaaring magsumite ng original paintings sa oil, acrylic, o mixed media, at dapat may sukat na 2ft by 3ft o 3ft by 3ft.
Hanggang Pebrero 13, 2025, mayroon pang oras ang mga prospective artist upang isumite ang kanilang mga entries sa Sining Filipina: Her Earth, Her Future.
Ipinapakita ng Sining Filipina ang dedikasyon ng SM Supermalls sa pagtataguyod ng women’s empowerment at pagpapalakas ng lokal na sining. Upang malaman ang higit pa tungkol sa mga activities ng SM Supermalls, sundan ang @SMSupermalls sa lahat ng social media.
20