RAPIDO ni PATRICK TULFO
ILANG araw na mula nang nagsimula ang retrieval operation ng divers ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lawa ng Taal.
Mula nang magsagawa ng operasyon, ilang sako ng hinihinalang mga buto ng tao o hayop ang nakuha.
Pero sa social media, marami ang nagkukwestyon kung bakit tila raw parang alam na alam ng PCG kung saan nakapwesto ang mga buto o sako na kanilang hinahanap.
Kinuwestyon din ng netizens ang kawalan daw ng mga doctor sa lugar.
Ayon naman kay PCG Spokesperson Capt. Noemi Cayabyab, ‘di na baguhan ang PCG sa mga ganitong operasyon at ‘di na bago sa PCG divers ang pagsisid sa lawa ng Taal. Maalam na umano ang mga diver sa lagay ng lawa, bukod sa magaganda na rin ang mga gamit ng mga ito sa paghahanap sa malalim na lawa.
Sabi nga ni Capt. Cayabyab, layunin ng PCG na makatulong sa kaso ng paghahanap sa mga nawawalang sabungero upang mabigyan sila ng hustisya.
…………………………………………………………………………………………………………………..
Tila minamadali rin ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pag-deliver sa mga na-donate na balikbayan box sa Davao noong nakaraang buwan.
Matatandaang na-donate ang nasabing mga balikbayan box mula sa Bureau of Customs bago magsimula ang isinasagawang congressional hearing, at ngayon nga ay tila minamadali naman ang delivery para makaabot sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa darating na July 28, 2025
