Operational procedure rerebyuhin sa Kamara ULO GUGULONG SA PNP-PDEA ENCOUNTER

INAABANGAN sa mababang kapulungan ng Kongreso kung sino-sino ang pananagutin sa madugong engkuwentro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Quezon City noong nakaraang linggo.

Kasabay nito, inatasan ni House defense and security committee vice chairman Rep. Ruffy Biazon sa PDEA at PNP na rebyuhin ang kanilang operational procedures upang malaman kung may dapat baguhin kasunod ng hindi katanggap-tanggap na engkuwentro ng dalawang ahensya kung saan kapwa nalagasan ang mga ito ng tig-2 tauhan.

“While many are looking forward to seeing heads roll after the PNP-PDEA fatal fiasco at Ever, what I’d like to see are the flaws of their operational procedures followed by necessary changes to prevent a repeat and enable them to capture those in the drug trade,” ani Biazon.

Sa ngayon ay wala pang napapanagot sa nasabing ‘misencounter’ dahil kasalukuyan pang nag-iimbestiga ang National Bureau of Investigation (NBI) kung saan ipinasa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbestigasyon.

Kailangan aniyang may managot sa nasabing pangyayari dahil hindi katanggap-tanggap, maging sa publiko, ang engkuwentro sa umano’y drug operation ng dalawang nabanggit na ahensya.

“While we, of course, should hold accountable those who broke protocol, a thorough review of the operations manual of both the PDEA and PNP must be made to check if the protocol itself is the one that needs fixing,” ayon sa mambabatas.

 

BODYCAM ILARGA NA

Samantala, iginiit ng mambabatas sa ilarga na ang pag-armas sa mga law enforcer ng body camera dahil ito ang magiging ‘neutral witness” sa lahat ng operasyon kapag nagkaroon ng bulilyaso.

“False accusations against law enforcers will also be easily disproved as the recordings from the cameras will show the step-by-step actions law enforcement personnel make in operations,” ayon sa mambabaas.

Noong 2018 aniya ay bumili na ang PNP ng bodycam na nagkakahalaga ng P289 million subalit sa katapusan ng Marso pa lamang ito gagamitin dahil pinag-aaralan pa ang paggamit ng mga ito.

Kailangang maipasa na rin aniya ang panukalang batas na magpapataw ng parusa sa mga pulis na magpapatay ng camera kapag may operasyon ang mga ito. (BERNARD TAGUINOD)

394

Related posts

Leave a Comment