3-TAONG BISA SA REHISTRO NG MOTORSIKLO SA LTO

PUNA ni JOEL AMONGO

MARAMING natuwa sa bagong patakaran ng Land Transportation Office (LTO) sa rehistro ng mga bagong motorsiklo na may makinang 200cc pababa na ngayon ay mayroong nang tatlong taong bisa o validity.

Mahigit isang libong motorsiklo na may engine displacement na 200cc pababa, ang nairehistro sa Land Transportation Management System (LTMS) sa unang araw ng pag-iral ng Memorandum Circular No. JMT-2023-2395 nitong nakaraang Mayo 15.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Chief Jay Art Tugade, bahagi ito ng pagsisikap ng ahensya na maging magaan para sa publiko ang pagproseso at mga transaksyon sa ahensya.

“Using the LTMS for the registration of these brand new motorcycles demonstrates how both the agency and the public benefit from the digitalization of LTO’s frontline services. We must maintain this momentum and expand it to make services for the public easier, simpler, and more convenient,” ani Tugade.

Ini-anunsyo noong nakaraang buwan ang nasabing polisiya at nakatanggap ito ng mga positibong komento mula sa mga motorista na naniniwalang ito’y makatutulong upang mabawasan ang abala sa pagproseso at gastusin sa taunang pagpaparehistro.

Nauna nang ipinahayag ni LTO Chief Tugade na kumbinsido ang ahensya sa roadworthiness ng mga brand new motorcycle na may engine displacement na 200cc pababa at makatwirang ipatupad ang initial registration na may tatlong taong bisa.

Alinsunod sa dating polisiya, ang mga brand new motorcycle lang na may engine displacement na 201cc pataas, ang kwalipikado para sa tatlong taong bisa ng initial registration.

Matatandaan nating ang mga motorsiklo ay taun-taong nire-renew ang rehistro sa LTO na malaking abala sa mga may-ari nito.

Ang mga motorsiklo lalo na ang single, ay sasakyang pang masa na karamihang ginagamit na service para sa trabaho at eskwelahan.

Malaking bagay para sa mga gumagamit ng motorsiklo na mabawasan ang abala nila sa taun-taong pagrehistro sa LTO.

Kaya ayon sa nakausap ng PUNA na nagmamay-ari ng mga motorsiklo, aprub sa kanila ang bagong patakarang ito ng LTO.

oOo

Para sa sumbong at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

121

Related posts

Leave a Comment