MABILIS ang naging sagot ng ilang Quezon City judges sa mosyon ng Public Attorney’s Office sa pangunguna ni PAO chief Persida Acosta na i-consolidate ang ilang civil suits laban sa French drug maker Sanofi Pharmaceutical Inc. at distributor Zuellig Pharma Corp. na isinampa ng mga kamag-anak ng ilang bata na namatay makaraang maturukan ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.
Isa lang ang naging tugon nina Branch 84 Judge Luisito Cortez, Branch 104 Judge Catherine Manondon, Branch 215 Judge Rafael Hipolito, Branch 100 Judge Editha Mina Aguba, Branch 220 Hose Paneda, at Branch 81 Judge Madonna Echiverri na pag-isahin at mismong si Branch 226 Judge Manuel Sta. Cruz Jr. na lang ang humawak.
Ibinasura ni Judge Sta. Cruz ang mosyon ng Sanofi at Zuellig na i-dismiss ang kaso laban sa kanila na isinampa ng kamag-anak ni Abbie Hedia, 13, na namatay noong isang taon matapos na siya ay maturukan ng Dengvaxia vaccine.
T’yak nakita ni Judge Sta. Cruz na may basehan ang complaints ng pamilya ng biktima laban sa defendants kaya hindi n’ya pinatulan ang mosyon ng huli na ibasura ang kaso.
Ikinatuwa naman ni Acosta ang agarang tugon ng mga huwes sa kanilang mosyon dahil aniya malaking tulong ito sa pamilya ng mga biktima na patuloy na naghihirap at naghahanap ng hustisya.
“The consolidation of the instant case, with other similar Dengvaxia cases, is desirable to expedite the hearing of the cases, and to avoid confusion, conflicting ruling, and unnecessary costs entailed with multiplicity of suits as the two cases involve common questions of facts and law,” ayon sa PAO.
Kasama bilang co-accused ay sina Ex-Health Secretary Janette Garin, Philippine Children’s Medical Center director Julius Lecciones at ilang government officials.
WALANG PATID NA PAG-ASENSO NG LUNGSOD
Swerte rin ang Lungsod ng Caloocan dahil sa alkalde na si Mayor Oca Malapitan dahil kitang-kita ang paglago ng revenues nito at pagpapatayo ng maraming pasilidad tulad ng bagong general hospital, astrodome, University of Caloocan City extension at itong huli ay ang People’s Park na naitayo mismo sa bago ring gawang City Hall sa pagitan ng 8th at 9th Avenue sa Grace Park.
Kamakailan lang ay pinangunahan ni Mayor Oca at ng kanyang masipag ding anak na si District 1 Rep. Dale Along Malapitan ang inagurasyon ng napakagandang 6,229 square meters People’s Park na dinaluhan din nina Cong. Egay Erice (District 2) at Councilor Obet Samson.
Bukod sa playground at interactive fountain, ang parke, na bukas sa publiko mula 5a.m.-10p.m., ay may fitness equipment at sapat na espasyo para sa gustong mag-ehersisyo o anumang healthy activities. S’yempre ‘di mawawala ang CCTV at mga guwardiya na naka-duty 24/7. (Early Warning / ARLIE O. CALALO)
113