BANGKAY NI EMERLITA GONZALES, NAIUWI NA SA PILIPINAS

AKO OFW

Bukas ay ang aking unang pagdalaw at pagdalo sa tangapan ng Overseas Workers Welfare Admi¬nistration (OWWA) para sa regular na flag raising ceremony sa imbitasyon ni OWWA Adminsitrator Hans Cacdac.

Sa aking unang pakiki¬pagpulong kay Administrator Cacdac  ay kasama ko ang anak ni Emerlita Gonzales, ang OFW  na namatay dahil sa atake sa puso sa loob mismo ng Bahay Kalinga. Matatandaan na noong nakaraang artikulo ng Ako OFW ay nanawagan ako sa mga kinauukulan upang ma¬bigyan ng pansin at aksyon ang madaliang pagpapauwi ng bangkay ni Emerlita na halos dalawang buwan nang nasa morge sa Saudi Arabia.

Kahapon, sa tulong ng mga kinatawan ng Philippine Consultae ng Jeddah sa pamumuno ni Consul General Ed Badajos at Welfare officer Yolanda Peñaranda at sa pagsisiskap ng ating mga kasamang volunteers na sina Reuel Lusung Yumul at ating AKOOOFW National President Marcia Gonzalez- Sadicon ay nakarating na sa Pilipinas ang mga labi ni Emerlita Gonzales.

Kasalukuyan nang nakaburol ang kanyang bangkay sa kanilang tahanan sa Southville Subdivision sa Sta. Rosa, Laguna. Tumawag sa akin ang kanyang anak upang humingi ng tulong para sa pagpapalibing ng kanyang ina na isang balik-mangagawa at expired na ang OWWA Membership.

Sisikapin ko na mapakiusapan si Administrator Cacdac na mabigyan ng tulong pinansyal ito na magmumula sa OWWA sapagkat dati namang miyembro ng OWWA si Emerlita Gonzales at nagkataon na hindi na nakapagbayad ng kanyang membership dahil sa pagkakaroon ng problema sa kanyang employer.

Sa pagkakataong ito, ako ay nananawagan sa lahat ng OFW na siguruhin na kanilang nababayaran ang kanilang OWWA Membership upang masiguro na may makukuha kayong benepisyo at tulong sa tuwing oras na magkaroon ng pangangailangan katulad ng burial assistance at pangkabuhayan program.

oOo

Ang Ako OFW ay naglalaan ng espasyo para sa ating mga OFW. Ipadala po lamang  ang inyong mga sumbong o reklamo sa a¬king email sa ako.ofw@yahoo.com

124

Related posts

Leave a Comment