TODO-selebrasyon ang mga ganador sa nagdaang eleksyon lalo na sa Kalakhang Maynila at na-overlook na tuloy ng marami na kahit papaano ay dapat mabigyang pansin at ma-recognize ang matinding effort ng ating kapulisan lalo na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pamumuno ni Maj. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.
Kahit sadyang trabaho nila ang mag-maintain ng peace and order, pero hindi naman siguro mabigat sa atin ang i-praise itong si General Eleazar sampu ng NCRPO personnel lalo na ang may 16,000 na miymbro nito na naitalaga na i-secure ang 8,298 polling precincts sa Metro Manila.
Nauna nang makakumpiska ang NCRPO ng 1,500 unlicensed firearms bago pa man ang May 13 polls at malaking bagay ito kung bakit ayon kay Gen. Eleazar ang naganap na halalan ay ‘heated but not violent.’
Pero sa halip na akuin ang credit, mas binigyan ni General Eleazar ng importansya ang kanyang kapulisan kasama na ang buong Philippine National Police sa pamumuno ni Gen. Oscar Albayalde.
“Kung naging generally peaceful ang nakaraang halalan, eto ay dahil sa ating mga walang kapagurang kapulisan kasama ang Commission on Elections lalo sa mga isinagawang checkpoints sa buong Metro Manila.”
Mabuhay ka General Eleazar, may your tribe multiply!
Scholarship uli sa kabataang Navoteño
May 40 estudyanteng Navoteño ang nakatanggap ng scholarship mula sa Navotas City government matapos mapirmahan ang memorandum of agreement para sa NavotaAs scholarship para sa school year 2019-2020.
“Ang edukasyon ay nagbubukas ng oportunidad para magtagumpay ang isang tao. Hangad namin na mabigyan ang ating mga kabataan ng de-kalidad na edukasyon para maging handa silang harapin ang mga hamon sa buhay at magtagumpay sila sa larangang kanilang pipiliin,” ani Mayor John Rey Tiangco.
Kasama sa batch ng academic scholars ngayong taon ang 15 incoming high school freshmen, 12 incoming freshmen ng Navotas Polytechnic College (NPC), isang incoming freshman sa kolehiyo o unibersidad na kanyang pipiliin, at anim na mga guro na nais magkaroon ng mas mataas na edukasyon.
Simula nang isakatuparan ang NavotaAs Scholarship Program noong 2011, 777 na mga Navoteño na ang napag-aral. Sa bilang na ito, 325 ang academic scholars, 422 athletic scholars, 19 art scholars, at 11 ang Ulirang Pamilyang Mangingisda scholars.
Bagong ambulansya at service vehicle
Lalo na namang napalakas ang kapasidad ng Navotas Disaster Risk Reduction and Management Office sa pagbibigay nito ng quick emergency response matapos mabigyan ito ng mga bagong ambulansya at service vehicle.
Mismong si Mayor JRT ang nanguna sa blessing at turn-over ng mga ito sa NDRRMO kasama ang ibang city officials. “Ginagawa natin ito upang mas lalo nating mapalawak ang kampanya ng lungsod sa disaster preparedness and resilience.” (Early Warning / ARLIE O. CALALO)
129