CLOSE PALA ANG FIXER KAY KUME

BISTADOR ni RUDY SIM

WALA pang isang buwan sa puwesto mula nang itinalaga ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla ang bagong commissioner ng Bureau of Immigration na si Atty. Joel Viado, imbes na walisin nito ang mga kalat na iniwan ng nasibak na dating BI kume na si Tansingco ay inampon pa umano nito, lalo ang isang tauhan nito na si alias “Dunhill” na talamak umanong fixer sa ahensya.

Matatandaang naging mainit si Remulla kay dating Kume Tan5 dahil sa isyu ng pagtatago ng impormasyon na nakalabas na ng bansa noon si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at gayundin sa talamak na katiwalian sa ilalim ng pamumuno ni Tan5.

Noong nasibak si Tan5 ay maraming mga kumag ang sumugal at gumamit ng kanilang mga kontak sa Malakanyang para masungkit ang posisyon bilang commissioner ng BI dahil nandito ang kayamanan na dinaig pa ang Yamashita treasure. Naging matunog na noon ang pangalan ni Viado na papalit kay Tan5 at nagkatotoo nga.

Magaling sana itong si Viado, kaya lang anyare? Ano kaya ang talento nitong si alias “Dunhill” at nanatili pa ito sa Office of the Commissioner? May katotohanan kaya ang narinig nating tsismis mula sa isang travel agent na “ka-golf” umano ni Viado si Dunhill at close pa ito sa kanyang misis? Naku po, naloko na! Hindi lamang pala malakas, bagyo pa! Dito kaya siya kumita nang husto kaya’t nakapagpundar ng first class na resort itong si Kumag sa kanilang poor-binsya sa Samar na hindi umano bababa sa 50 milyones ang halaga at hanggang ngayon ay hinayaang magpatuloy ang ilegal na gawain ng kumag.

Ayon pa sa ating source na travel agent, madalas umanong nakikita itong si Dunhill na nagiging anino ni Viado, kahit saan ito magpunta at maging ang mga papeles umanong pipirmahan ni Kume ay itong si kumag ang tagasubo kung anong pipirmahan? Hmm… anyare? Teka, hindi ba’t mayroong consultancy agency itong si Dunhill? Hindi ba’t ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa alinmang government agency dahil ito ay conflict of interest! Oh, English ‘yan, Dunhill ah, hindi bisaya.

Gaano rin kaya katotoo na napalulusutan itong si Kume ng mga papel nitong si Dunhill na kailan lamang umano ay nakitang may hawak ng listahan itong si Kumag na bisaya, kung ano na ang mga napirmahan na student visa? Anyare sa bata mo, SOJ Remulla? Ayon pa sa ating source, alam n’yo ba mga tropa, na binigyan daw ng function ni Kume itong si Kumag na siya ang tagalagay ng docket number sa mga papeles na mayroong karga? Naku po! ‘Wag kayong Kupal!

Hindi ba’t nakaraan lamang ay naging mainit ito sa pagdinig ng Kongreso kaugnay sa pag-issue ng BI sa mga Chinese na pinaniniwalaang spy ng bansang China.

Samantala, tila gusto umanong mag-safety exit nitong anak ni Leon Guerrero sa Clark Airport na si Maan bago pa man ito sumabit sa kasakuluyang ginagawang imbestigasyon kung sino ang mga tumulong sa pagtakas sa bansa ni Alice Guo. Bagama’t domestic flight lamang patungong “Balesin” ay usap-usapan sa Clark Airport na nakita itong anak umano ng senador, na nag-assist kay Alice Guo noong ito ay nagtungo sa Balesin?

Ayon sa ating narinig, gusto umano nitong si Maan na magpa-relieve kay Kume bilang hepe ng airport at italaga na lamang ito bilang hepe ng one stop shop ng BI-Clark Office? Pagbibibigyan kaya ito ni Kume dahil kay Senador? Abangan na lang natin.

Para sa inyong sumbong at reaksyon, maaaring i-text ako sa 09158888410.

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

239

Related posts

Leave a Comment