DAPAT AY MAGNILAY-NILAY SI ANDAYA

BAGWIS

Elib din talaga ako kay Camarines Sur Rolando Andaya. Hanggang sa huli ay may pagpipilit pa rin ito sa 2019 national budget.

Matapos i-veto ni Pa­ngulong Duterte ang mga insertions nitong grupo ni Andaya ay may panga­ngatwiran pa ito. Gusto pa niyang magbigay ng detalye ang pangulo sa mga binurang mga alokasyon sa budget na may insertions si Andaya at naisantabi ang natapos nang budget sa ilalim ng pamumuno noon ni dating House Appropriations Chair at ngayo’y Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Mukhang may paglabag sa Saligang Batas ang ginawang amendment noon ni Andaya dahil bagama’t nasa Mababang Kapulungan ang tinatawag na “power of the purse”, ang mga budget item na nakapaloob sa budget ay kinakailangang magmula sa Ehekutibo.

Maaari lamang bawasan o dagdagan ng Kongreso ang mga budget item na inilista ng Ehekutibo ngunit hindi nito maaaring palitan ng panibagong budget item na siyang ginawa ng Mababang Kapulungan.

Nauna rito ay nag-ingay na rin si Sen. Panfilo Lacson ukol sa masamang plano ng iba.

Ngunit ang hindi inasahan nitong grupo ni Andaya ay magiging all-out ang suporta ng Malacañang para kay Nograles. Matapos tanggalan ng kapangyarihan bilang Appropriations Chair ay inalok agad ni Pa­ngulong Duterte si Nograles upang maging bahagi ng kanyang gabinete.

Dito pa lang ay dapat na sanang nagnilay-nilay itong si Andaya na hindi siya uub­ra dahil tiyak na babarahin siya ni Pangulong Duterte. Ngunit may pagpipilit pa rin ito sa ating pambansang budget dahilan kung bakit sobrang naantala ang pagpirma ni Pangulong Duterte sa national budget.  (Bagwis / GIL BUGAOISAN)

210

Related posts

Leave a Comment